MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA KAWALAN NG PAGGALANG SA KATOTOHANAN Flashcards
Ang kalagayan o kundisyon ng pagiging totoo.
Katotohanan
Ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay.
Katotohanan
Isang uri ng imoralidad ng pagsisinungaling na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan/tawanan ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling.
Jacose Lie
Isang uri ng imoralidad ng pagsisinungaling na kung saan ipinapahayag upang maipagtanggol ang sarili o kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito mabaling ang atensyon. Ito ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay nitong mabigat na dahilan.
Officious Lie
Isang uri ng imoralidad ng pagsisinungaling na kung saan ay nagaganap kapag ito ay sumusira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
Pernicious Lie
Ang pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa nabubunyag o naisisiwalat.
Lihim
Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang pahintulot ng taong may-alam dito.
Lihim
Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag na.
Promised secrets
Mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral na kapag nabulgar ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa. Ang bigat na ginawang kamalian guilt ay nakasalalay kung ano ang bigat ng kapabayaang ginawa .
Natural secrets
Naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag.
Committed or Entrusted secrets
Isang Committed or Entrusted secret kung saan ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinasabi ng pasalita o kahit pasulat.
Hayag
Isang Committed or Entrusted secret kung saan ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinasabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o intstitusyon. Madalas ito ay pang propesyonal at opisyal na usapin.
Di hayag
Ito ay may maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito.
Mental Reservation
Iba pang paraan ng pagtago ng katotohanan (2)
Pag-iwas (evasion), paglilihis ng mga maling kaalaman (equivocation)
Pagpapahayag ng mas malalim na pag-iisip, pananalita o pagkilos bilang pagpapahalaga sa katotohanan.
Confidentiality
Ito ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et al, 2003).
Plagiarism
Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpapahayag ng katotohanan at katapatan sa mg datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinikilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil illegal na pangongopya.
Plagiarism
Ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin ang hindi iyo (Atienza, et al, 1996)
Plagiarism
Ito ay ang tawag sa taong may orihinal na gawa o may ambag sa anumang bahagi at iba pang mga komersiyo.
Copyright Holder
Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon.
Whistleblowing
Ito ay ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o illegal na gawain sa loob ng isang samahan o organisasyon.
Whistleblower