Mga Hakbang Sa Pananaliksik Flashcards
Pumili at maglimita ng paksa. Ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.
Unang hakbang
Magsagawa ng pansamantalang balangkas.
Ikalawang hakbang
Magtala ng sanggunian (mangalap sa internet o silid-aklatan). Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian, pitong sanggunian ang minimum.
Ikatlong hakbang
Mangalap ng datos. Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang ng nabasa ay sapat na. Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian.
Ikaapat na hakbang
Bumuo ng konseptong papel. Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang
sasaliksikin. Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.
Ikalimang hakbang
Gumawa ng dokumentasyon. Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian at bigyang-pansin ang paggamit ng wastong bantas.
Ikaanim na hakbang
Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.
Ikapitong hakbang