Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino Flashcards
- Gaganap bilang tagapaghatid o enkowder at
tagatanggap o dekowder ng mensahe. - Eto ay napakahalagang element ng
komunikasyon.
KASANGKOT
- Ito ay kondisyong isinasaalang-alang ng mga
kasangkot
KONTEKSTO
Magkaiba ang paran ng pakikipagugnayan sa simbahan, tanggapan, unibersidad,
palengke at iba pa.
Lugar
Kinokontrol ng komyunikeytor ang
kanyang akto sa mga pagkakataong tulad ng
pagtatapos, pagpupulong, pagdiriwang at iba
pa.
Pangyayari
May angkop na pakikipag-ugnayan
ang tao sa iba-ibang oras depende sa hinihingi
ng pagkakaton.
Panahon
Magkaiba ang atake sa isa, dalawahan o
maramihang pakikipag-ugnayan
Bilang
Ito ang inihahatid (ineenkowd) at tinatanggap
(dinedekowd) na nasa anyong berbal, ‘di berbal,
at ekstra berbal.
MENSAHE
Ito ang midyum sa paghahatid at pagtanggap ng
mensahe (kasama ang paningin at pandinig)
DALUYAN
Ang mga ito ay humahadlang sa pagtatagumpay
ng komunikasyon.
SAGABAL
uri ng sagabal
Pisyolohikal Pisikal Semantiko Teknolohikal Kultural Sikolohikal.
Ito ay uri ng sagabal na may
kinalaman sa kondisyon ng pangangatawan o
pisyolohiya ng isang indibidwal.
Pisyolohikal
Ito ay bunsod ng ingay sa paligid gaya
tunog ng sasakyan, garalgal ng bentilador,
sigawan, at mga kagaya nito.
Pisikal
Ito ay uri ng sagabal na nakaugat sa
wika. Maaaring magkaiba ng kahulugan ang
isang salita na may parehas na baybay, hindi
maayos na estraktura ng pangungusap, maling pagbabantas, hindi akmang gamit ng salita, o
maling ispeling nito.
Semantiko
Uri ito ng sagabal na nakaugat sa
problemang teknikal. Kabilang sa mga sagabal
na ito ang mahina o walang signal ng internet o
network ng telepono.
Teknolohikal
Ito ay nakaugat sa magkaibang kultura,
tradisyon, paniniwala at relihiyon.
Kultural.
Sagabal itong nakaugat sa pag-iisip
ng mga kasangkot sa proseso ng komunikasyon
tulad ng biases at prejudices.
Sikolohikal