MGA ELEMENTO NG TULA PERSONA, SUKAT, TUGMA,TALINGHAGA AT ESTILO SA TULA Flashcards
isang akdang pampanitikang naglalarawan
ng búhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating
damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may
angking aliw-iw.
Tula
Ito ay ang tinig na nagsasalita sa tula. Ito ay maaaring
ang mismong makata, isang kathang-isip na karakter, o
isang bagay na binibigyan ng kakayahang magsalita.
Persona
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa
Sukat
Ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay nagkasing tunog ito ang nagbibigay sa tula ng himig o indayog
Tugma
Ito ang paggamit ng masining na
salitang nagbibigay ng higit na
kariktan sa tula.
Talinghaga
Paghahambing ng dalawang
magkaiba subalit may
pagkakaugnay na mga bagay at
ginagamitan ng mga pariralang
tulad ng, paris ng, kawangis ng,
at iba pa.
Pagtutulad
Direktang paghahambing ng
dalawang bagay at hindi na
ginagamitan ng mga panlapi at
salitang naghahambing.
Metapora
PAGSALIN NG MGA KATANGIAN
NG ISANG TAO TULAD NG
TALINA, GAWI, AT KILOS SA
MGA BAGAY NA WALANG
BUHAY.
Personipikasyon
Pinalalabis o pinakukulang
ang kalagayan o katayuan ng
tao o bagay na tinutukoy.
Pagmamalabis
Maaaring banggitin ang
bahagi bilang pagtukoy sa
kabuoan at maaari naming
ang isang tao ay kumatawan
sa isang pangkat.
Pagpapalit saklaw
Ito ay pakikipag-usap sa
karaniwang bagay o isang
dinaramang kaisipang para
bang nakikipag-usap sa isang
buhay na tao o isang tao
gayong wala naman ay
parang naroo’t kaharap.
Pagtawag
Gumagamit ng panangging
HINDI upang magpahiwatig
ng isang makabuluhang
pagsang-ayon.
Pagtanggi
Ito ay ang natatanging paraan ng pagpapahayag ng
isang makata. Ito ay makikita sa kanyang pagpili ng
mga salita, sa kanyang paggamit ng mga tayutay, at sa
kanyang paraan ng pag-aayos ng mga salita sa isang
taludtod.
Estillo