MGA BATAS Flashcards
Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa bansa
Saligang Batas Artikulo 14, Seksyon 3 (1935)
Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa
Batas Komonwelt Blg. 184 (1936)
Ipinahayag na tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Nagbigay pahintulot sa pagpapalimbag ng diksyonaryo at balarila ng wikang pambansa at itinagubilin din ang pagtuturo ng wikang panbansa sa mga paaralan, pambayan man o pampubliko
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga opisyal na wika ng bansa
Batas Komonwelt Blg 570 (1946)
Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang batas na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa
Proklama Blg. 12 (1954)
Itinakda ang pagdiriwang ng Linggo ng wika simula agosto 13-19 taon taon
Proklama Blg. 186 (1959)
Nilagdaan ng Kal Jose Romero at itinagubilin na kailanman at tinutukoy ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ang itatawag
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1957)
Nilagdaan ni Kal Alejandrino Roces at iniutos na simula sa Taong Aralan ‘63-‘64, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalimbag sa wikang Pilipino
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962)
Nilagdaan ng Pangulong Macapagal ang pag-uutos na awitin ang pambansang awit na Pilipinas sa titik nitong Pilipino
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at itinadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967)
Nilagdaan ni Kal Rafael Salas at pinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan at pamahalaan ay isulat sa Pilipino
Memorandum Sirkular Blg. 172
Itinagubilin ang pagbuo ng seminar sa Pilipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng wikang pambansa sa iba’t ibang pook panglinggwistika ng kapuluan
Memorandum Sirkular Blg. 199
Nilagdaan ng pangulong marcos at iniutos sa lahat ng kagawaran, kawanigan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng wikang Pambansa at pagkaraan sa lahat ngnopisyal na transaksyon at komunikasyon
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
Ipinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap zmelchor ang oagtatalaga ng may kakayahang tauhan upang mamahala sa lahat ng komunikasyin sa Pilipino sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan
Memodandum Sirkular Blg. 384