Mga Barayti ng Wika Flashcards
personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal, bawat indibidwal ay may istilo at kanya-kanyang paraan
(halimbawa: ehem excuse me po - mike enriquez)
Idyolek
nalilikha ng dahil sa heograpikong kinaroroonan, ginagamit ng mga tao ayon sa isang tiyak o partikular na pook gaya ng mga probinsya, bayan, o maliit na barangay na tinitirhan
(halimbawa: Iloco ng Benguet –Wen adi!, Iloco ng Vigan –Wen met!)
Dayalek
nakabatay sa katayuan o antas panlipunang kinabibilangan ng isang tao. (halimbawa: conyo-omg! it’s so mainit naman dito, gay lingo- Holabels! May kwento akizkis)
Sosyolek
— espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain
1) larangan - naaayon sa larangan ng taong gumagamit nito
2) modo - paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon
3) tenor - ayon sa relasyon ng mga naguusap
— halimbawa: bk8, omsim, bkt (jejemon, binaliktad, pinaikli na teks)
Register
ginagamit sa iba’t ibang propesyon (halimbawa: medisina - code blue, army - alpha bravo charlie)
Jargon