Mga Antas ng Wika Flashcards
Ano ang mga antas ng wika?
Pormal at impormal
Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarilla sa lahat ng mga paaralan.
Pambansa
Ano ang dalawang uri ng pormal na wika?
- Pambansa
- Pampanitikan/Panretorika
Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na sa mga paaralan.
Pormal
Ito ang salitang gamitin ng mga manunulat.
Pampanitikan/Panretorika
Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
Impormal
Ano ang tatlong uri ng impormal na wika?
- Lalawiganin
- Kolokyal
- Balbal
Ito ay di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na groupo ng lipunan.
Balbal
Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
Kolokyal
Ito ang mga bokabularyong diyalektal
Lalawiganin