Matatandang Anyo Flashcards
Ito ang katawagang ginagamit sa pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan
Kinesika
Ito ay dapat umaayon sa diwang isinasaad o nais sasabihin ng bibigkasin
Kumpas o Kilos
Ito ay karaniwang nagpapakita ng emosyon gaya bg pagpapahayag ng tawa, inis, takot, poot, galit at iba pa.
Ekspresyon ng Mukha
Ito ay dapat magkaroon ng kaisahan. Kung ang pokus ng paningin ay sa gawing kaliwa, lahat ng pares ng mata ay dito dapat nakatuon.
Galaw ng Mata
Ang pag______ ay mahalagang sangkap sa sining ng pagbigkas ng tula.
Kumpas
Noon pa mang hindi pa dumarating ang mga Kastila sa ating kapuluan, ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi.
Katutubong Panitikan
Ito ay mga salysay hinggil sa nga likhang-isip na mga tauhan na kinakatawan sa mga uri ng mamamayan. Ito ay binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katakutan, at katatawanan na kapupulutan ng magagandang aral sa buhay. Ito ay tinatawag din na folklore, ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan ba kumakatawan sa mga uri ng mamayan.
Kuwentong-Bayan
Ito ay isang panitikan na kung saan naipapahayag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito rin ay nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Alamat
Ito ay isang uri ng kuwento na hinggil sa pinagmulan ng sansinukbuan, kuwento ng tao, ang mahiwagang nilikha at ang kalipunan ng iba’t-ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa.
Mitolohiya o Myth
Malalaman natin kung tungkol saan o ano ang nilalaman ng ating binasa.
Paksa
Nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga ______ ang pagiging epektibo ng isang akda.
Tauhan
Siyang pinakamahalagang tauhan sa akda.
Pangunahing Tauhan
Ang sitang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
Katunggaliang Tauhan
Siya’y karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.
Pantulong na Tauhan
Ang pook, lugar, at panahon kung saan nangyari ang kabuoan ng kuwento.
Tagpuan
Makikita o mababasa ang wasto at maayis na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang akda.
Banghay
Dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin.
Panimulang pangyayari (exposition)
Sa bahaging ito, nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan.
Pagpapataas na pangyayari (Rising action)
Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.
Kasukdulan (Climax)
Sa bahaging ito, nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing taugan ang layunin
Pababang pangyayari (Falling action)
Sa bahaging ito, nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas.
Resolusyon/Wakas (Resolution)
ito ay nagbibigay ng kakintalan sa mga mambabasa. Nagsisilbi itong gabay sa buhay at sa pang araw-araw na pamumuhay.
Kaisipan/Aral