Matandang Panitikan Flashcards
Nagtataglay ng talinghaga; nagsisilbing mga panuntunan sa buhay – mga bata ng kaugalian at patnubay ng kagandahang-asal
Salawikain o Sawikain
Ito ay hango sa karunungan ng matatandang may mga karanasan sa buhay.
Sabi o Kasabihan
Ito ay tugmang naghahamon sa tao na mag-isip nang madalian nang walang pagbabatayan kundi ang inilalarawan ng mga salita
Bugtong
isang payak na metaporang may walong pantig sa bawat taludtod. Ito ay may sukat at tugma.
Talinghaga
tulang ginagamit sa panggagamot o pang-iingkanto.
Bulong
tulad ng alinmang tula, ang mga ito ay may sukat at tugma. Di nakilala ang mga kumatha ng maraming awiting bayan.
Awiting-bayan
Sinong nag-tala ng awiting bayan?
Epifanio de los Santos Cristobal (EDSA)
Awit sa paggaod
Suliranin
Awit sa pagtataggumpay
Sambotani
Awit sa pakikidigma; nang lumao’y naging awit sa pag-ibig
Kumintang
Awit sa paghehele
Oyayi
Awit sa pamamangka
Talindaw
Awit sa panliligaw at pagkakasal
Diona
Himno
Dalit
Mga tulang-salaysay tungkol sa mga bayani at sa kanilang kabayanihan. Ang mga bayaning ito ay tila mga bathala sa pagtataglay ng kapangyarihan
Epiko
Epiko ng mga taga-Ifugao
Hudhud
Epiko ng mga taga-Bicol
Ibalon
Epiko ng mga Ilokano
Biag ni Lam-ang
Epiko ng mga Hiligaynon-Iraya
Maragtas
Ito ang kauna-unahang aklat na nilimbag sa Pilipinas. Nilimbag ito sa pamamagitan ng silograpiya noong 1593.
Doctrina Cristiana
Isinulat ito at inilimbag ni Pari Blancas de San Jose, O.P., noong 1602 sa Imprenta ng Santo Tomas.
Nuestra Señora del Rosario
Sa panahon ng kuwaresma, ang buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ay inaawit.
Pasyon
Sabayang inaawit bilang handog kung buwan ng Mayo sa pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.
Mga Dalit kay Maria
Isang uri ng dulang pangrelihiyon na namalasak noong panahon ng Kastila. Ang pinakadiwa nito ay ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birheng Maria noong bisperas ng Pasko.
Panunuluyan
Isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang pasyon. Itinatanghal ito kung Mahal na Araw, kadalasa’y nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos ng Biyernes Santo, kung minsan pa’y umaabot ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay itinatanghal sa entablado. Tinatawag din itong “pasyon sa tanghalan”.
Senakulo
Itinatanghal sa entablado. Dalawang pangkat ang naghaharap dito: ang mga Kristiyano at ang mga moro. Tinawag itong comedia de capa y espada na sa kalauna’y naging kilala sa palasak na tawag na “moro-moro”. Nasusulat sa anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di-Kristiyanong tinawag ng mga Kastilang “moro”. Laging magtatagumpay ang mga Kristiyano sa mga paglalaban.
Moro-Moro
Ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay nauukol sa paghanap sa krus na kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo. Ang mga tauhan dito ay sina Emperatris Elena at ang kanyang anak na si Emperador Constantino.
Tibag