makataong kilos Flashcards
ano ang makataong kilos?
-Ito naman ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa.
-Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsagawa nito.
-Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsible, alam niya ang kanang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
ano ang kusang-loob ?
-ito ang kilos na may kaaalman at pagsang –ayon.
-Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
ano ang di-kusang loob ?
-dito ay paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-aon.
-Makikita ito sa kilos na hindi isinasagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
ano ang walang kusang-loob ?
dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
ano ang kamangmangan ?
tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
ano ang kamangmangang nadaraig ?
Ang kamangmangan nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataon na maaaring itama kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito.
ano ang kamangmangang nadaraig ?
Ang kamangmangan nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman o kaya naman ay walang posibleng paraaan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan ng iba
ano ang masidhing damdamin ?
-ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos o damdamin.
- Maituturing ito na paglaban sa masidhing damdamin sa isip-para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip.
- Ito ay ang malakas na utos ng senses of appetite na abutin ang kanyang layunin.
- Tumutukoy ito sa pasidhinh pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng paghihirap o sakit.
ano ang masidhing damdaming nauuna ?
-ang nauuna ay damdamin na nadarama o napupukaw kahut hindi niloob o sinadya. Ito ay umiiral bago pap man gawin ang isang kilos.
-Ang kilos sa ilalim ng damdaming itoo ay hindi malaya kaya ito ay kilos ng tao o act of man.
ano ang masidhing damdaming nahuhuli ?
-ay damdaming sinasadyang mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa.
-Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan nang mas mataas na antas na kakayahan – ang isip – upang mawala ang sidhi ng damdamin.
ano ang takot ?
-ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin.
-Ito ay pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay.
-Tumutukoy din ito sa pagpataw ng pwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap sa gawain ng isang tao ang kilos na labag sa kanang kalooban.
ano ang karahasan ?
-ang pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa.
-Ito ay maaaring gawin ng isang taong may malakas na impluwensiya.
ano ang gawi ?
-ito amg mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng isang sistema ng buhay sa araw-araw.
-Ito ang mga bagay na nakasanayan na gawin
-Ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos.
ano ang unang yugto ng makataong kilos ?
pagkaunawa sa layunin
ano ang ikalwang yugto ng makataong kilos ?
nais ng layunin