Maikling Kuwento Flashcards
SIno ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento?
Edgar Allan Poe
Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
Maikling Kuwento
inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa
Kuwento ng Tauhan
Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Kuwentong Katutubong Kulay
Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
Kuwentong Sikolohiko
Ito ay mga pangyayaring kasindak- sindak.
Kuwento ng Katatakutan
Inilalahad ang mga kuwentong pinag- uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan
Kuwentong Bayan
Pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
Kuwento ng Kababalaghan
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Madulang Pangyayari
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento
Kuwentong Pakikipagsapalaran
Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
Kuwento ng Katatawanan
Tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
Kuwento ng Pag-ibig
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
Panimula
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Saglit na Kasiglahan
Problemang haharapin ng tauhan.
Suliranin