Mahahalagang Tauhan ng El Filibusterismo Flashcards
Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral. Makapangyarihan siya kaya iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at maging ng mga prayle. Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon, Linisin ang bayan, at lipulin ang lahat ng masasama kahit siya ay inuusig ng kanyang budhi sa paraang kanyang ginagawa.
Simoun
Hinihirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Sinasabi niyang kailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain. Nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginawa niya ang importanteng pagpapasiya habang naglilibang at sa pagmamadali. Larawan siya ng pinunong pabigla-biglang humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan. Salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani.
Kapitan-Heneral
Siya ay isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan ng kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at may kapanugutan. Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-isipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani. Maging ang pasiya ng Kapitan-Heneral ay kanyang tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at mabuti. Siya ay mapanuri at makatarungan.
Mataas na kawani
Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino si Padre Tolentino kahit pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila sa magulang.
Padre Florentino
Isang paring Pransiskano na pinakikinggan ay igonagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip. Umibig siya ng lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago.
Padre Bernando Salvi
Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ay Vice-Rector ng Unibetsidad ng Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa mg panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral.
Padre Hernando Sibyla
Isang paring kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Comarra. Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wilsng Kastila ang mga estudyante. Naging tagaganap siya ng hulung bailin ng kaibigang si Kapitan Tiago.
Padre Irene
Isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyin ng mga mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong estidyante sa pag-aaral ng wikang Kastila. Hindi siya nalukugod sa tiwalang gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng kapwa niya prayle.
Padre Fernandez
Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong mga bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa mga kababaihan lalo na sa magagandang dilag.
Padre Camorra
Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral. Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa noon.
Padre Millon
Kilala rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain. Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera. Pinili siyang maging Kabesa ng Barangay ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao.
Telesforo Juan de Dios
Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kanesang Tabes. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskartr sa buhay para makatulong sa pamilya. Tunay siyang mapagmahal sa pamilya. Tapat at marunong din siyang maghintay sa katilanf si Basilio.
Juliana / Juli
Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas sa guwardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ay maunawaing tatay ni Kabesang Tabes. Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano. Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.
Tata Selo
Anak ni Kabesang Tabes ba tahimik at kusang-loob na sumusunid sa kagustuhan ng amang siya’y magsundali. Nawala nang matagal na panahon at nang magbalik ay siyang naging dahilan ng kasawian ng mahal niya sa buhay.
Tano / Carolino
Nalampasab niya ang hilagil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. nagpupunyagi siya sa pag-aaral. Nilinok niya ang pinagmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi oa natatanggap ang diploma ng pagtatapos.
Basilio
Isang malalim na makata o manubugma. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino.
Isagani
Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna da panawang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila. Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagyalo, mapitagan, nakalulugof na mag-aaral, at palabasa ng iba’t ibang aklat kaya’t nangunguna sa pagbabago. Siya ay napakayaman at bukas-palad sa kapwa.
Makaraig
Mahinahon at mapahtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinanindigan kahit pa lubuang kinaiinisan din niya ito. Kapag siya ay naluno, parang bulkan siyang sumasabog at walang kinatatakutan.
Placido Penitente
Mapanuring mag-aaral. Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba’t ibang usapin. Hindi siya agad naniwala sa mga bali-balita lamang kaya tila lumalabas sa iba na siya ay mapangambahin at laging nag-aalala.
Pecson
Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot. May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao dahil nakakamit niya ang mga nais. Masugid siyang manlilogaw ni Paulita Gomez na pinaboran ng tiyahin ng dalaga na si Donta Victorina.
Juanito Pelaez
Isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubod na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino. Mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan. Nais niyang mailabas ang katotohanan sa isang usapin.
Sandoval
Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor. Hangad niyang lahing walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa. Siya ay may kahambugan, walng ambisyon sa buhay, at malaswang magsalita. Nagdudunong-dunungan diya st nagyayabang sa walang-muwang na nilalang.
Tadeo
Isang masayahin at ang napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki. Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
Paulita Gomez
Larawang ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga indiong kanyang kalipi.
Donya Victorina de Espadaña