M1 Linangin ang Nilalaman Flashcards
2
Ayon sa tala ng Komisyon sa Wikang Filipino (2016), may ___ wikang ang umiiral sa buong bansa. ___ mula doon wika ang maituturing na nanganganib o endangered.
130, 40
Bahagi ang mga wika sa Pilipinas ng malaking angkan ng wika na ___________. Sinasaklaw ng pamilyang ito ang mga wika mulang Formosa, New Zealand, Madagascar, Aprika at sa Easter Islands. Tinatantiyang umaabot sa 500 wika ang miyembro ng pamilyang nito at sangwalo (1/8) ito ng mga wika ng mundo.
Austronesian
Maituturing nang patay ang mga sumusunod na wika
Ayta Tayabas (Tayabas, Quezon), Katabagan (Bondoc Peninsula, Quezon), Agta Sorsogon (Prieto Diaz, Sorsogon), at Agta Villa Viciosa (Abra).
Kasama rin sa mga wika ng Pilipinas ang isang _______, _______, at ________.
creole (Chavacano), Philippine English, Filipino Sign Language.
Filipino ang itinakdang pambansang wika ng Pilipinas. Ito rin kasama ng Ingles ang itinakdang wikang opisyal ng bansa batay sa _____________.
Saling Batas ng 1987
itong apat ay nasa Barayti ng Wika na Permanente.
Diyalekto, Idyolek, Sosyolek, Etnolek
Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensiyon: lugar, panahon, at katayuang sosyal. Ang Ilokano, Tagalog, Binisaya ay hindi mga diyalekto kundi mga wika. Ang bawat wika ay may kani-kaniyang diyalekto na maaaring magkaiba sa isa’t isa sa ilang katangian.
Diyalekto
isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.
Idyolek
ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan.
Sosyolek
nadebelop it mula sa mga pangkat etnolingguwistiko.
Etnolek
itong apat ay nasa Barayti ng Wika na Pansamantala.
Register, Jargon, Pidgin, Creole
Kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Register
Isang uri ng rehistro na batid halos ng lahat at ginagamit sa maraming sitwasyon, larangan at pagkakataon. Katulad ng Agham, nilalang, buhay, makina, sistema
Neutral
Isang uri ng rehistro na nakabatay ang kahulugan sa espisipikong larangan at propesyon Katulad ng USB, dextrose, turbo engine, artificial intelligence
Technical
Isang uri ng rehistro na natatangi sa isang kompanya o lugar - dito nagmula ang termino at dito lamang ginagamit.
In-house
Isang uri ng rehistro na tawag ng mga gumagamit sa isang terminong tumutukoy sa gadget o application sa kompyuter at iba pa. Halimbawa ang Bling-bling ay tawag sa aksesorya, alahas o pananamit na pamorma.
Bench-level
Isang uri ng rehistro impormal na termino na ginagamit sa impormal na sitwasyon at balbal din ang tawag dito. Halimbawa ang Datung para sa pera
Slang
Isang uri ng rehistro na impormal Terminong hindi naaangkop gamitin sa publiko o pormal na usapan dahil sa implikasyon sa moralidad, kagandahang-asal at kultura dahil maaaring makasakit. Katulad ng mga salitang nanlalait sa lahi, kulay, kasarian, kaanyuan at iba pang tulad nito
Vulgar