M1-Aralin 2: Panitikan: Kahulugan, Anyo, at Mga Uri Nito Flashcards
Ito ay isang uri ng tuluyang tumutukoy sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan ng mga panawag, lugar, hayop o mga halaman. Tinatalakay dito ang kakumbakitan ng mga bagay-bagay.
Alamat
Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.
Anekdota
Tinatawag din itong kathambuhay. Ito ay isang mahabang kuwentong piksyong hinahati sa iba’t ibang kabanata.
Nobela
Akdang ang mga tauhan ay mga hayop.
Pabula
Ito ay maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Parabula
Hinggil ito sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikang natatapos basahin sa isang upuan lamang.
Maikling Kuwento
Salaysay na hinahati sa pamamagitan ng mga yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
Dula
Ito ay isang komposisyong kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Sanaysay
Isinalaysay nito ang kasaysayan ng buhay ng isang tao na batay sa mga tunay na impormasyon.
Talambuhay
Paglalahad ito ng mga kaisipan o opinyon ng isang tao hinggil sa isang napapanahong paksang may layuning humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Talumpati
Ito ay nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa.
Balita
Ito ay isang uri ng salaysay na likhang-isip na mga tauhang kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. Kadalasa’y tumatalakay din sa mga suliraning panlipunan.
Kwentong Bayan
Ito ay tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan, at kabayanihan ng tauhan.
Tulang Pasalaysay
Ito ay tulang nagsasalaysay ng mga buhay ng mga mahal na tao tulad ng hari, reyna, prinsipe, duke, at iba pa. Ang tagpuan ay mga kaharian at binabasa nang paawit ngunit may himig na mabagal o tinatawag na andante. Mayroon itong lalabindalawahing (12) pantig sa bawat taludtod. Pinapaksa nito ang makatotohanang kuwento ng mga tauhan at pakikipagsapalaran. Sinisimulan ang ganitong uri ng tula sa paghahandog. Sikat na halimbawa nito ay ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas.
Awit
Tulad ng awit, ang mga tauhan nito ay mga mahal na tao at naganap sa mga kaharian. Gayunpaman, ito ay mayroon lamang wawaluhing (8) pantig sa bawat taludtod. Naging tanyag sa uri nito ang Ibong Adarna.
Korido
Isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi kapani-paniwala dahil sa mga tagpuang kababalaghan at di-makatotohanan.
Epiko
Anu-ano ang mga tulang pasalaysay?
- Awit
- Korido
- Epiko
Ano ang awit?
Ito ay tulang nagsasalaysay ng mga buhay ng mga mahal na tao tulad ng hari, reyna, prinsipe, duke, at iba pa. Ang tagpuan ay mga kaharian at binabasa nang paawit ngunit may himig na mabagal o tinatawag na andante. Mayroon itong lalabindalawahing (12) pantig sa bawat taludtod. Pinapaksa nito ang makatotohanang kuwento ng mga tauhan at pakikipagsapalaran. Sinisimulan ang ganitong uri ng tula sa paghahandog. Sikat na halimbawa nito ay ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas.
Ano ang korido?
Tulad ng awit, ang mga tauhan nito ay mga mahal na tao at naganap sa mga kaharian. Gayunpaman, ito ay mayroon lamang wawaluhing (8) pantig sa bawat taludtod. Naging tanyag sa uri nito ang Ibong Adarna.
Ano ang epiko?
Isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi kapani-paniwala dahil sa mga tagpuang kababalaghan at di-makatotohanan.
Ano ang tulang nagsasalaysay ng mga buhay ng mga mahal na tao tulad ng hari, reyna, prinsipe, duke, at iba pa kung saan ang agpuan ay mga kaharian at binabasa nang paawit ngunit may himig na mabagal o tinatawag na andante?
Awit
Ano ang tulang may lalabindalawahing (12) pantig sa bawat taludtod na nagpapaksa ng akatotohanang kuwento ng mga tauhan at pakikipagsapalaran?
Awit
Ano klaseng tula ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas?
Awit
Ano ang tulad ng awit, ang mga tauhan nito ay mga mahal na tao at naganap sa mga kaharian na mayroon lamang wawaluhing (8) pantig sa bawat taludtod?
Korido