M1 Flashcards
Ano ang nilalaman ng panitikan?
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng ibat ibang uri ng damdamin
Kasama ang pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Ano ang kahalagahan ng panitikan sa bawat bansa?
Katulad ng isang walang katapusang daloy ng tubig sa batisan
Ipinapakita nito ang koneksyon ng mga tao sa kanilang damdamin at kultura.
Ano ang isang halimbawa ng akdang pampanitikan na nagbigay ng impluwensyang pandaigdig?
Bibliya o Banal na Kasulatan
Naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano.
Ano ang Koran?
Bibliya ng mga Muslim
Nagmula ito sa Arabya.
Ano ang epekto ng ‘Uncle Tom’s Cabin’ ni Harriet Beecher Stowe?
Nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim
Pinag-simulan ito ng pandaigdig na paglaganap ng demokrasya.
Sino ang may-akda ng ‘Iliad’ at ‘Odyssey’?
Homer
Ang mga akdang ito ay naglalaman ng mga alamat at mitolohiya ng Gresya.
Ano ang nilalaman ng ‘Divina Comedia’ ni Dante?
Nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga Italyano sa kapanahunang yaon
Isa ito sa mga pangunahing akda ng panitikan sa Italia.
Ano ang ‘Canterbury Tales’ ni Chaucer?
Naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles
Isang mahalagang akdang pampanitikan.
Ano ang ‘Aklat ng mga Araw’ ni Confucius?
Naging batayan ng pananampalataya at kalinangang Indak
Mahalaga ito sa kulturang Tsino.
Ano ang nilalaman ng ‘Isang Libo at Isang Gabi’?
Naglaarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya
Isang koleksyon ng mga kwentong bayan.
Ano ang ‘El Cid Campeador’?
Tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga Kastila
Isang mahalagang akda sa panitikan ng Espanya.
Ano ang Awit ni Rolada?
Ito ay agsasalysay ng panahong ginto ng kristiyanisno sa Pransya.
Ano ang nilalaman ng Aklat ng mga Patay?
Tumatalakay ito sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng Ehipte.
Ano ang Mahabharata?
Ito ay ipinahahayag na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya sa Indiya.
Bakit dapat pag-aralan ang panitikang Pilipino?
Upang makilala ang kalinangang Pilipino, matalos na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon, mabatid ang mga kapintasan sa ating panitikan, at malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat.
Ano ang dalawang pangkalahatang uri ng panitikan?
A. Patula - Nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maanyong salita sa mga taludtod. B. Tuluyan o Prosa - Nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.
Ano ang mga halimbawa ng Patula?
Kabilang dito ang tulang liriko, tulang pasalysay, tulang pantanghalan at patnigan.
Ano ang mga halimbawa ng Tuluyan o Prosa?
Kabilang dito ang maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editorial.
Ano ang hamon sa pagsulat ng tula?
Ang pagsulat ng tula ay hamon sa mga makata dahil matimpi ang paggamit ng mga salita at may bilang ang pantig.
Ano ang dapat taglayin ng isang tula?
Dapat itong magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan.
Ano ang kahulugan ng tula ayon kay Julian Crus Balmaceda?
Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na kailangang magkatipon-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkan ng karapatang matawag na tula.
Ano ang sinasabi ni Inigo Ed tungkol sa tula?
Ang tula ay kagandahan diwa, katas kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.
Ano ang sinabi ni Fernando B. Morienon tungkol sa pagtula?
Ang pagtula’y panggagagad, at ito’y kahawig ng sining ng pangguhit, paglililok at pagtatanghal. Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang sining.
Ano ang mga uri ng tula?
- Tulang Liriko
- Tulang Pasalaysay
Ano ang Tulang Liriko?
Ito’y nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ang uring ito ng tula ay maikli at payak.
Ano ang Awit sa uri ng Tulang Liriko?
Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
Ano ang Soneto?
Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod ang nilalaman nito ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Ano ang Oda?
Pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo.
Ano ang Elehiya?
Tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Ano ang Dalit?
Ito ay tulang nagpaparangal sa dakilang lumikha at may kinalamang pilosopiya sa buhay.
Ano ang Tulang Pasalaysay?
Ito’y naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
Ano ang Epiko?
Nagsasalysay ng kagitingan ng tao, pakikibaka ng kawawa at mga tagumpay niya sa digmaan.
Ano ang Awit at Kurido?
Paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng reyna, hari at prinsesa.