LS1 FILIPINO Flashcards
- Labis na pagkapagod ang nadarama ng aking ina sa sobrang pagtatrabaho.
Ano ang payak na anyo ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap?
(A) pag
(B) pagka
(C) pagod
(D) kapagod
(C) pagod
- Mahilig sa mga gadget si Jenny. Madalas ay hindi na siya kumakain at di natutulog sa
tamang oras. Hindi na rin nakakapokus sa pag-aaral, kaya hindi siya nakapasa.
Ano ang sanhi ng hindi pagpasa ni Jenny?
(A) Hindi siya natutulog.
(B) Marami siyang gadget.
(C) Wala siyang hilig mag-aral.
(D) Nakapokus lang siya sa mga gadget.
(D) Nakapokus lang siya sa mga gadget.
- Sa makabagong panahon, maraming kabataang millennial ang naniniwalang ang tagumpay
ay madali nilang makakamit. Tulad ni Mina, dahil magaling sa computer, positibo siya na
makapagpapapatayo ng computer shop.
Batay sa nabasa, ano ang maaaring mangyari kay Mina?
(A) Magiging makabago siya.
(B) Magbababad siya sa internet.
(C) Magkakaroon siya ng negosyo.
(D) Mag-aaral pa siya ng kurso sa computer.
(C) Magkakaroon siya ng negosyo.
Si Karen ay nagmamay-ari ng maliit na panaderya sa kanilang bayan. Sa loob ng
isang buwan, napansin niya ang pagbaba ng kita dahil sa mainit na panahon na
nagdudulot ng mabilis na pagkasira ng mga tinapay. Bilang resulta, kailangan niyang
itapon ang maraming produkto araw-araw. Nais ni Karen na maiwasan ang pag-aaksaya
ng tinapay at mapanatili ang kalidad ng kanyang paninda.
Habang nag-iisip ng solusyon, napag-usapan nila ng kanyang kaibigan na si Ella
ang paggamit ng refrigerator para mapanatiling sariwa ang tinapay. Gayunpaman, mataas
ang gastos sa kuryente, at limitado ang kanyang budget. Nais ngayon ni Karen na tukuyin
kung ang paggamit ng refrigerator ay angkop o may iba pang solusyon na maaaring
subukan.
4. Ano ang unang hakbang na maaaring gawin ni Karen upang matugunan ang problema ng
mabilis na pagkasira ng kanyang mga tinapay?
(A) Magdagdag ng preservatives sa mga tinapay.
(B) Isara ang panaderya tuwing mainit ang panahon.
(C) Taasan ang presyo ng mga tinapay para mabawi ang kita.
(D) Magtanong sa ibang panaderya kung paano nila hinahawakan ang kanilang mga
produkto.
(D) Magtanong sa ibang panaderya kung paano nila hinahawakan ang kanilang mga
produkto
- Matapos makapanayam ang ibang panaderya, natutunan ni Karen ang tungkol sa paggamit
ng refrigerator at mga airtight na lalagyan. Ano ang pinaka-angkop na hakbang na maaaring
gawin niya upang mapanatili ang sariwang kalidad ng tinapay nang hindi masyadong
gumagastos?
(A) Bumili ng bagong refrigerator kahit mataas ang gastusin.
(B) Maglagay ng mas maraming asin sa mga tinapay upang magtagal ito.
(C) Mag-alok ng malaking diskwento para mabilis na maubos ang mga tinapay.
(D) Gumamit ng airtight na lalagyan upang iwasan ang mabilis na pagkasira ng
tinapay.
(D) Gumamit ng airtight na lalagyan upang iwasan ang mabilis na pagkasira ng
tinapay.
- Kung hindi magiging sapat ang airtight na lalagyan, ano ang maaaring alternatibong
solusyon na maaaring subukan ni Karen upang maiwasan ang pag-aaksaya ng mga
produkto?
(A) Magtayo ng mas malaking panaderya sa ibang lugar.
(B) Huminto sa paggawa ng tinapay tuwing mainit ang panahon.
(C) Gumawa ng mga tinapay na mas matamis upang mas matagal.
(D) Mag-alok ng “Buy One, Take One” promo tuwing hapon upang mabilis maubos
ang tinapay
(D) Mag-alok ng “Buy One, Take One” promo tuwing hapon upang mabilis maubos
ang tinapay.
- Mahilig kumain si Luisa ng kendi, cake, at ice cream. Madalas din siyang uminom ng
softdrinks. Ayaw niyang uminom ng gatas. Iniiwasan din niya ang pagkain ng gulay at
prutas. Ano ang maaaring mangyari kay Luisa kung ipagpapatuloy niya ang ganitong gawi?
(A) Tatangkad at tatalino si Luisa.
(B) Maaari siyang magka-diabetes.
(C) Masisira ang panunaw ni Luisa.
(D) Lulusog ang kaniyang pangangatawan.
(B) Maaari siyang magka-diabetes.
- Ayon sa babala ng Department of Health (DOH), may mga dapat gawin at iwasan ang mga
tao, kaugnay ng COVID-19. Mahihinuhang ang layunin nila ay
(A) maglarawan ng kalagayan ng China
(B) manghikayat na iwasan ang pangingibang bansa
(C) magsalaysay ng mga pangyayaring may kaugnayan sa nasabing sakit
(D) maipaliwanag ang mga sintomas at dapat gawin upang makaiwas sa sakit
na ito
(D) maipaliwanag ang mga sintomas at dapat gawin upang makaiwas sa sakit
na ito
Kaya naman hindi masamang mag-log-out muna tayo sa social
media at muling balikan ang mga bagay na nagpapasaya dahil hindi
sa internet makikita ang sagot sa tanong na “Sino talaga ang totoong
ako?” kung hindi sa ginagalawan nating tunay at makulay na
mundo.
(Halaw sa sanaysay ni Jason Renz D. Barrios na ang
Pinakamagandang Pamato sa Larong Piko)
9. Alin sa sumusunod ang nais iparating ng manunulat sa talatang nababasa sa itaas?
(A) Bigyan natin ng panahon ang mga larong pisikal.
(B) Sa internet ay makikita natin ang tunay na mundo.
(C) Higit na makikilala natin ang ating sarili sa mata ng iba.
(D) Magiging masaya tayo kung titigilan natin ang social media.
(A) Bigyan natin ng panahon ang mga larong pisikal.
Ah! Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman,
lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo, kaya tinulungan mo ang
tigre. Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan
at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip
ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat manatili
ang tigre sa hukay”, ang hatol ng kuneho.
(Halaw sa pabulang mula sa Korea na isinalin sa
Filipino ni Vilma Ambat na Ang Hatol ng Kuneho)
10. Anong katangian ng mga taga-Korea ang masasalamin sa pabula?
(A) Mabait at matalino
(B) Palatanong at magaling
(C) Matulungin at makatarungan
(D) Mapagpatawad at makatarungan
(C) Matulungin at makatarungan
- Nagtungo ang presidente sa kongreso upang bigyang parangal ang bagong halal na
gobernador.
Sa anong wika hiniram ang mga salitang may salungguhit?
(A) Arabe
(B) Hindu
(C) Ingles
(D) Espanyol
(C) Ingles
- Pagkatapos ng paglulunsad ng proyektong “Kabataan, Kailangan Ka ng Barangay”, pinuri
ng kapitan ng barangay si Mariana. Nasunod daw nito ang mga hakbang sa pakikipanayam
sa panauhing pandangal.
Ano ang tamang pagkakaayos ng mga hakbang sa pakikipanayam? - Magpasalamat sa kinakapanayam.
- Magtanong nang magalang sa kinakapanayam.
- Kilalanin ang taong kakapanayamin.
- Isulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam.
(A) 1, 4, 3, 2
(B) 2, 3, 4, 1
(C) 3, 1, 2, 4
(D) 4, 2, 1, 3
(B) 2, 3, 4, 1
“Hindi ako titigil hanggang ang Brazilians ay walang pagkain sa
kanilang hapag, may pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan
na nawawalan ng pag-asa at habang may mahirap na batang
tuluyan nang inabandona”.
(Dilma Rousef wattpad.com. Grade 10 Filipino Module)
13. Anong saloobin ang ipinapahayag ni Dilma Rousef?
(A) Ipinakikita ang kalakasan ng kababaihan.
(B) Ikinukumpara ang kalagayan ng Brazil sa Pilipinas.
(C) Ipinagpapalagay na wala nang solusyon ang ganitong suliranin.
(D) Ipinapahayag ang pagnanais na malutas ang suliranin ng kanilang bansa.
(D) Ipinapahayag ang pagnanais na malutas ang suliranin ng kanilang bansa.
- Ang gandang panlabas ay lumilipas subalit ang panloob na ganda ay nananatili, di nawawala
Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
(A) Lumilipas din ang ganda ng loob.
(B) Mapapanatili ang gandang panlabas.
(C) Ang gandang panloob at panlabas ay laging magkasama.
(D) Mas mabuting tingnan ang kalooban ng isang tao, kaysa ganda ng mukha.
(D) Mas mabuting tingnan ang kalooban ng isang tao, kaysa ganda ng mukha.
- Dalawampung taon na po akong taxi driver. Hindi pa ganito ang Maynila. Ang daming
naglalakad at abalang-abala. Noong araw, mas tahimik; kakaunti pa lang ang mga taxi
driver, at di-masyadong maraming kotse at bus.”
Ano ang mensaheng nais ipabatid ng taxi driver?
(A) Malaki na ang ipinagbago ng Maynila.
(B) Magulo na ang Maynila noong araw pa.
(C) Nagsasawa na siya sa pagiging taxi driver.
(D) Hindi na kumikita ang mga taxi driver sa Maynila.
(A) Malaki na ang ipinagbago ng Maynila.
- May nabasang post si Grace sa isang social media tungkol sa salitang “rice”. Nais niyang
malaman din ito ng mga kaklase niya.Alin sa sumusunod ang pinakamabilis na paraan
upang maipasa niya ito?
(A) Gumawa ng blog sa tungkol dito.
(B) Ipasa ang impormasyon sa group chat nila.
(C) Ipasa ang link sa email sa mga kakilala niya.
(D) Lumikha ng teleconference para ipaliwanag pa ito.
(B) Ipasa ang impormasyon sa group chat nila.
- Naatasan ng guro ang mga mag-aaral na mangalap ng datos tungkol sa mga out-of-school
youth sa kanilang barangay. Sa pagtatanong nila, lumabas na may kabuuang 140 ang OSY.
Ang 29 sa bilang na ito ay nasa pagitan ng edad 16-25, may 25 na nasa pagitan ng edad
26-30, at 86 ang nasa edad na 31 pataas.
Batay sa nakalap na datos, kung nais ipakita ang paghahati ng kabuuan ayon sa edad,
aling paglalahad ang pinakaangkop gamitin?
A. Datos ng OSY (Edad)
16-25 26-30 31 pataas
Babae 19 15 30
Lalaki 10 10 56
Kabuuan 29 25 86
- Inatasan si Tricia ng kaniyang guro na pamunuan ang klase para sa pagsasagawa ng Tree
Planting. Tumawag siya ng pulong para magplano ng mga dapat nilang gawin. Nakipag-
ugnayan sila sa kapitan ng barangay at pagkatapos ay isinagawa na ang mga binalak nilang
hakbang. Alin sa sumusunod ang tamang ayos ng mga hakbang sa pagsasagawa ng
proyekto? - Nagplano sila ng mga hakbang na gagawin.
- Nagsaya sila dahil naisagawa nang maayos ang proyekto.
- Tumawag sila ng pulong.
- Naisakatuparan nila ang nabuong proyekto.
- Nakipag-ugnayan sila sa kapitan ng barangay.
(A) 3, 1, 5, 4, 2
(B) 3, 1, 5, 2, 4
(C) 2, 3, 4, 1, 5
(D) 1, 5, 3, 2, 4
(A) 3, 1, 5, 4, 2
- Maraming Pilipina, kahit edukado at may propesyon, ay pinipiling magtrabaho at sumapi
sa Yaya Sisterhood sa Hongkong dahil sa mas mataas na sahod. Dahil dito, nagkukulang
tayo ng mga kinakailangang propesyonal sa bansa. Ano ang pangunahing mensahe ng
kuwento na nagpapakita ng suliraning panlipunan na dapat mabigyan ng solusyon?
(A) Dapat itaas ang sahod ng mga propesyonal sa bansa.
(B) Dapat magtulungan ang mga Pilipino sa ibang bansa.
(C) Dapat maglaan ng pondo ang gobyerno para sa mga OFW.
(D) Dapat lumikha ang gobyerno ng mas maraming trabaho sa Pilipinas.
(A) Dapat itaas ang sahod ng mga propesyonal sa bansa.
Si Mico ay nahilig sa paghahalaman at palaging nagtatanim ng mga bulaklak sa
kanilang bakuran. Isang araw, sinabi ng kanyang kapitbahay na ang pagtatanim ng
bawang sa paligid ng mga bulaklak ay nakakapigil sa mga insekto. May isang kaibigan din
siya na nagsabi na ang pagsasalita sa mga halaman ay nakakatulong upang sila’y lumago
nang mas mabilis. Napag-alaman din ni Mico mula sa isang gardening book na ang
wastong pagdidilig at paggamit ng tamang pataba ang tunay na susi sa magandang
paglago ng mga halaman. Sa kabilang dako, may narinig siya na kapag may itinatanim na
bulaklak, dapat daw ay maglagay ng barya sa ilalim ng lupa upang magdala ito ng swerte.
- Alin sa sumusunod ang may mapagkakatiwalaang batayan?
(A) Ang paglalagay ng barya sa ilalim ng lupa ay sinasabing nagdadala ng swerte.
(B) Ang pagtatanim ng bawang sa paligid ng mga bulaklak ay nakakapigil sa mga
insekto.
(C) Ang pagsasalita sa mga halaman ay nakakatulong upang sila’y lumago nang mas
mabilis.
(D) Ayon sa isang gardening book, ang wastong pagdidilig at paggamit ng tamang
pataba ay mahalaga para sa magandang paglago ng mga halaman,
(D) Ayon sa isang gardening book, ang wastong pagdidilig at paggamit ng tamang
pataba ay mahalaga para sa magandang paglago ng mga halaman,
- Tuwing panahon ng eleksiyon, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga guro. Ang
pagod nila ay walang katumbas na halaga, mula sa paghahanda ng mga kagamitan
hanggang sa matapos ang bilangan. Kaya naman ang CNN Philippines ay nagbigay-pugay
sa mga guro, upang iparating sa madla na sila ang mga bayani sa likod ng bawat eleksiyon.
Alin sa sumusunod na pangunahin at pantulong na kaisipan ang nagsasaad ng
buod ng tekstong binasa?
(A) Ipinalabas sa telebisyon ang pagbibigay pugay sa mga guro.
(B) Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga guro tuwing eleksiyon.
(C) Nakararanas ng pagod at puyat kapag may eleksiyon ang mga guro.
(D) Ang mga guro ang naghahanda ng mga kagamitan tuwing eleksiyon.
(B) Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga guro tuwing eleksiyon.