LONG TEST - FINALS Flashcards
Sa paglaganap ng Cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood ng telebisyon saanmang sulok ng bansa.
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
mas malawak ang sakop na lugar ngunit mas higit na nakakasagap din ng ingay.
AM STATION
mas maliit ang sakop ngunit mas higit na tinatangkilik dahil sa Magandang sagap nito pagdating sa mga tunog.
FM STATION
Karaningwang wikang Ingles ang ginagamit dito tulad sa Manila Bulletin. Madalas ang mga usapin dito ay political at mga bisnes. Mas pormal ang mga ginagamit na paraan ng pananalita rito.
Broadsheet
Wikang Filipino ang gamit dito at ‘ kadalasang sensasyonal ang mga paksa rito.
Tabloid
Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay ang mang-aliw, manlibang at lumikha ng ugong o ingay ng kasiyahan (Tiongson, 2012).
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKUL
Ang pagpapadala sa pamamagitan ng SMS o SHORT MESSAGING SYSTEM ay isang mahalagang paraan ng komunikasyon.
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT
Tinagurian ang Pilipinas na TEXTING CAPITAL of the WORLD (2009) dahil sa humigit kumulang na ___ bilyong text messages na pinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw.
4
Pagpapalit-palit ng English sa Filipino sa pagpapahayag, gayundin sa pagpapaikli ng mga salita.
CODE SWITCHING:
Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3), MTB-MLE ang kanilang ginagamit o mga unang wika bilang midyum sa pagtuturo.
SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON
Ang Kakayahang gamitin at unawain ang kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika at iba pa.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
Pag-aaral sa palatunugan ng wika. Kabilang sa mga pinag-aaralan dito ay ang segmental at suprasegmental
PONOLOHIYA
Mga makahulugang tunog na may katumbas na letra para mabasa o mabigkas.
PONEMANG SEGMENTAL
Ang kombinasyon ng alinmang patinig (a,e,i,o,u) na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Kabilang dito ang aw, ay, ew, iw, oy, uy
DIPTONGGO
Tinatawag ding kambal katinig dahil sa binubuo ito ng dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
KLASTER
Salitang halos magkatunog subalit magkaiba ng kahulugan.
PARES-MINIMAL
Binubuo ng dalawang katinig na /ng/ o /en-ji/
DIGRAPO
Tumutukoy sa makabuluhang tunog na nangangahulugan na maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
tumutukoy sa pagtaas at pagbabang tinig na nakapagpapabago ng kahulugan.
TONO