lessons 1-8 Flashcards
isang tradisyinal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng tradisyong oral. hango sa salitang griyego na “mythos” na ang ibigsabihin ay kwento.
mitolohiya
mitolohiyang kanluranin o nordiko ay kinilala rin bilang eskandinaba o eskandinabyano na nagmula sa norsman o mga tao ng hilagang europa
mitolohiyang kanluranin
pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon.
etimolohiya
lahat ng wikang katatagpuan sa Timog-Silangang Asya
wikang austronesyo
katatagpuan sa Kanluran at Gitnang Asya at Europa
Indo-Europeo
pinanggalingan ng wikang Hebreo at Arabe
Afro-Asiatic
Uri ng etimolohiya
- Panghihiram
- Pagbuo o pagsasama ng mga salita
- Morpolohikal na pinagmulan
iniaangkop ang hiram sa salita sa ponolohiya at baybay
panghihiram
hinihiram nang buo ang salitang banyaga at iniaangkop ang bigkas at baybay sa ortograpiyang Pilipino
tuwirang hiram
hinihiram nang buo ang salitang banyaga ng walang pagbabago sa anyo
ganap na hiram
paggamit ng panlapi at pagtatambal ng salita upang makabuo ng bagong salita
pagbuo o pagsasama ng mga salita
paglihis mula sa salitang ugat na nagdudulot sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita
morpolohikal na pinagmulan
isang anyo ng pampanitikan na may matatalinhagang pagpapahayag ng isipan at damdamin mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan karikitan at kadakilaan
tula
tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
sukat
tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod
saknong
isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa ang tugma ay tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya
tugma
ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw
kariktan
ito naman ay tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang pananalita at mga tayutay
talinghaga
ginagamit ito upang mapaganda at mapaayos ang ilang mga pahayag ng sa gayon ay maging kawili-wili ang pagbabasa
matatalinhagang pananalita
ang tawag sa isang uri ng kwentong ang higit na binibigyang halaga o diin ay ang kilos o galaw ang pananalita ng pangungusap at kaisipan ng isang tauhan
maikling kwento ng tauhan
isang uri ng komunikasyon na tawag sa mga binibigkas ng mga karakter o tauhan sa isang istorya na maaaring sa dula ano balagtasan ito ay nagsisimula sa sining ng pakikinig
diyalogo
nagmula ang salitang sanaysay sa makatang si alejandro abadilla na nangangahulugang pagsasanay sa pagsusulat ng isang sanay o nakasulat na karanasan
sanaysay
nahati ang sanaysay sa dalawang uri ayon kay
genova edroza matute
malikhaing pagpapahayag ng saloobin mo sa mga personal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa paligid
di-pormal
diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa pagsasaliksik at pag-aaral ng mga impormasyon
pormal
hindi tuwiran na nakatago ang kahulugan sa salitang ginamit ng may akda sa sanaysay
salitang di lantad ang kahulugan
sariling pagtingin sa isang bagay tao isyu ito ay pumapatungkol din sa paniniwala paghuhukom o paraan ng pag-iisip ng isang indibidwal ukol sa isang paksa o isyu
opinion
isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng pagsulat at pagbigkas nito ito ay nagpapamalas ng kakayahang pang talastasan sa paggawa sa makrong kasanayan ay nagagamit
talumpati
layunin nitong mabigyan ng mga bagong kaalaman o kapatiran ng maka pagdaragdag sa mga dating kaalaman ng tagapakinig
makapagbigay ng kabatiran o kaalaman
ang isang talumpati ay maaaring makapag turo o makapag paliwanag ng bagong paraan o paniniwala ng kaugnay ng isang ideya o kaisipan makatutulong ito sa mga tagapakinig upang makita ang paksa sa ibang anggulo at may angat ang nalalaman ukol sa paksang tinatalakay
makapag turo at makapag paliwanag
ang isang mabisang talumpati ay maaaring makapanghikayat sa mga tagapakinig maaari nitong mabago ang pananaw ng isang tagapakinig at masakit ito ng sumang-ayon at tanggapin ang pinagtatalunan ng bagay o kalagayan madalas itong nagagamit ng mga politiko sa pangangampanya ng isang tao na hihikayat sa publiko nasubukan ang isang produkto
makapanghikayat
ang isang talumpati ay maaaring makapag lahat ng isang adhikain proyekto batas o ordinansa ng kailangan may palaganap ang maipatupad sa nakararami ito ay nagtutulak sa tagapakinig upang isagawa isakatuparan ang kaisipang nabanggit sa talumpati
makapagpaganap o makapagpatupad
upang maging mabisa ang talumpati ay kailangang magkaroon ng pang akit at maka panlaban sa mga tagapakinig ang anumang layunin ng talumpati ay magtatagumpay lang kung lubos itong pinakinggan at kinagigiliwan ng mga tagapakinig
manlibang
pinakasimula ng talumpati ito ay naghahanda sa tagapakinig para sa nilalaman ng talumpati kaya dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati
introduksyon
dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sa pagkat dito tinatalakay ang mahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig ito ang pinakakaluluwa ng talumpati
diskusyon o katawan
dito nakasaad ang pinaka kongklusyon ng talumpati kalimitang nilalanggam ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati ito ay kalimitang maikli ngunit malaman
katapusan o konklusyon
hatirang pangmadla sa internet ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha nagbabahagi at nakikipag palitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network
internet social media
social media sites maaaring gamitin sa pakikipag ugnayan sa mga taong miyembro ng isang social media network. halimbawa nito ay facebook at linkedIn
social networking
social media site sa maaaring mag upload at mag-share ng mga files tulad ng larawan at video sa mga sign sa ito maaaring mag like mag-comment at mag follow ang mag subscribe sa mga nais na sumabay sa isang account
media sharing
social media site sa maaaring gamiting journal at talaarawan
blogsites
social media sites sa maaaring magpa scale ng maikling updates na maaaring mabasa ng mga subscriber ng isang account
microblogging
mga online site kung saan maaaring mag bahagi ng mga komento tungkol sa isang paksa sa mga signs na ito malaya ang isang miyembro ng magbahagi ng mga komento at mensahe sa pamamagitan ng comment section
online forums
isang uri ng social media site na ginagamit upang mapag sama sama ang mga content ng nais mong save upang magamit sa susunod na pagkakataon
bookmarking sites
modernong pamamaraan ng pagsusulat na nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba’t-ibang partikular na paksa madalas ito makikita ang nakasulat sa anyo ng sanaysay
blog
pangungusap na nabuo mula sa pag-uugnay ng mga sariling karanasan na kadalasang tungkol sa pag-ibig
hugot lines
tinatawag ding banat, tumutukoy ito sa magiliw na paggamit ng paghahambing upang makatawag ng atensyon sa taong pinatutungkulan nito
pick up lines
pagsasagutan ng dalawang magkalabang panig sa pamamagitan ng rap o mabilis na pagsasalita ng mga pangungusap na may tugmaan. tinatawag din itong makabagong balagtasan ng mga kabataan
fliptop
isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng kwento o pagsasalaysay
spoken word poetry
tumutukoy sa kakayahang makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap na naaayon sa tuntunin ng gramatika
kakayahang gramatikal
ito ay komponent na nagbibigay ng kakayahang magamit ang isang tiyak na wika sa makabuluhang paraan dito binibigyan ng wastong interpretation ang mga salita pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan
kakayahang diskorsal
tumutukoy sa kung paano nagkakaugnay ugnay ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat
kaugnayan
tumutukoy sa kung paano nagkakaugnay ugnay ang dalawang ideya sa wastong paggamit ng wika nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip bilang panghalili sa mga natukoy na sa simula ng pahayag at pagdaragdag ng mga kataga
kaisahan