Lesson3: Mga Uri ng pagsulat Flashcards
Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag o taludtod.
Hal:
Ang Konstitusyon o Saligang-Batas ay para sa mamamayan
Gawa ng mamamayan at mula sa mamamayan
Epipora
Ang paguulit ay ay nasa una at huli
Matay ko man yatang pgili’t pigilin
Pigilin ang sintang sa puso’y tumiim
Tumiim na sinta’y kung aking pawiin
Pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin
Anadiplosis
Isang tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang kaisipan na hindi na ginagamitan ng mga salitang nagkokompara
Hal: Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay, kaya’t
huwag ka nang mahiya pa.
Pagwawangis (Metapora)
Inaaring tao rito ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.
Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kaniyang
malagim na wakas.
Pagbibigay-katauhan o Personipikasyon
Nagpapalit ito ng tawag o ngalan
Sampung ulo ang kumain kanina sa panaghalian.
Nagsalita na ang Malacanang.
Pagpapalit-tunog/metonimi
pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan
Hiningi niya ang kamay ng dalagang kaniyang
napupusuan.
Pagpapalit-saklaw
Paggamit ng mga salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng orihinal na salita.
Hal: Magkaroon din lamang siya ng babae (kabit) ay bakit sa
isa pang mababa ang lipad (prostityut)?
Paglumanay o Eupemismo
Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis, at disertasyon.
Hal: rebyu ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura o RRL
represensiyal na pagsulat
layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa
-tula, nobela, maikling kuwento, dula, sanaysay
Malikhaing pagsulat
pag-uulit ito ng mga tunog-katinig
- ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Hal:
Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang
marubdob niyang pagtatangi sa mahal niyang bayan
Aliterasyon o pag-uulit
Paguulit naman ito ng mga tunog-patinig sa alin mang bahagi ng salita
Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na
kamandag at lason
Asonans
Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa final na bahagi ng salita.
Hal:
Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamot sa isang
pusong wasak
Konsonans
Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
Tumakbo siyang tulad ng isang mailap na usa nang
makita ang papalapit na kaaway
Pagtutulad (Simile)
Lagpas ito sa katotohonan
Sa dami ng inimbitang kababayan, bumaha ng pagkain
at nalunod sa mga inumin ang mga dumalo sa kasalang iyon.
Pagmamalabis o hyperboli
Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag.
Hal: balita, editoryal, lathalain, artikulo, atbp.
DYORNALISTIK NA
PAGSULAT
Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
Langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig, dagundong ng
kulog, haginit ng hangin
Onomatopiya
kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy
- pag-uulit ito sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod
Hal:
Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating inang Bayan
Kabataan ang sanhi ng pagsiskap ng bawat magulang
Kabataan di ba ang sisira sa sariling kinabukasan?
Kabataan din ba ang sisira sa pangarap ng kaniyang kapwa?
Anapora
pagtatanong na hindi nangangailangan o kaya’y naghihintay o inaasahang sagot.
Hal: Natutulog ba ang Diyos?
Kung hindi tayo, Sino?
Kung hindi ngayon, Kailan?
Retorikal na Tanong
Paggamit ito ng mga salita o pahayag na magkasalungat.
Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatawa: may
lungkot at may tuwa, may hirap at ginhawa, may dusa ay may
pag-asa.
Pagtatambis o Oksimoron
Akala’y pinupuri pero nilalait.
Halimbawa:
“Wow! Ang sarap ng niluto mo. Ni isa’y walang kumain.”
Pang-uyam o Ironya
Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang
isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na
kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.
Hal: Feasibility Study on the Construction of Platinum
Towers in Makati, Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng
Marikina
Teknikal na pagsulat( proyekto)
ito ay isang intelektuwal na pagsulat. ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan
-research paper, thesis
Akademikong Pagsulat
Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga
sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang
matutuhan sa akademya o paaralan
Hal: lesson plan, medical report, narrative report/physical
examination
Propesyonal na Pagsulat