Lesson 5 Flashcards
Maaaring banggitin lamang dito ang tema ng pelikula o ang ilang mahahalagang pangyayaring bumubuo ng pelikula
Ang Buod ng Banghay
Isang akdang sumusuri o pumupunta sa isang likhang-sining
Rebyu
Dapat tinatalakay dito ang elemento na nagpapalakas at nagpapahina sa pelikula.
Ang Rebyu
Sa bahaing ito ay kinakailangan banggitin ang pamagat ng pelikula, and drektor, prodyuser, manunulat, at ang aktor at aktres
Panimula
Nakapaloob dito ang mga tanong na
1. Ano ang pinapahiwatig ng pamagat sa pelikula?
2. May mensahe bang pinapahiwatig ang pamagat?
Pamagat
Andito ang Pangunahin Tauhan, Katunggaling Tauhan, at Pantulong na Tauhan
Karekterisasyon
Sinusuri ng isang mahusay na rebyu ang lahat ng sangkap o elemento ng genre na kinabibilamgan ng akdang sinuri
Masaklaw
Liban sa mga akdang klasimo, ang isang mahusay na rebyu ay pumapaksa sa isnag akdang napapanahon
Napapanahon
Kailangang masuri ang isang akda sa pananaw ng isang kritiko, hindi sa pananaw ng isang karaniwang mambabasa o tagapanood
Kritikal
Kapani-niwala ang isang mahusay na rebyu. Ang mga pamantayang ginagamit ay katanggap-tanggap sa lahat o kung hindi man ay sa nakararami
Mapananaligan
Sa pamamagitan ng mahusay na pagpapaliwanag nagagabayan ng isang mahusay na rebyu ang ibang mga mambabasa o taga panood,
Nagtatangi
Obhetibo ang isang mahusay na kritiko. Hindi siya nagpapaimpluwensya sa kanyang mga pansariling pagkiling
Walang Pagkiling
Ang isang mahusay na rebyu ay hindi pagsama-sama lamang ng sinasabi ng ibang kritiko
Orihinal
Isinasaalang-alang niya ang mga limitasyon ng may-akda
Makatuwiran
Maaring ulitin dito ang tesis sa ibang anyo, ngunit dapat ipakita dito ng sumulat na balido ang kanyang impresyon o ang kanyang tesis
Kongklusyon