LESSON 3: BARAYTI NG WIKA Flashcards
Konseptong panwika na tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang anyo at
katangian ng wika. Pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng
isang wika.
Homogenous
Konseptong panwika na tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng wika.
Heterogenous
Ano ang limang dahilan kung bakit iba-iba ang wika?
- lokasyong heograpiko
- pandarayuhan
- sosyo-ekonomiko
- politikal
- edukasyonal
Ano ang anim na barayti ng wika?
- Dayalek
- Idyolek
- Sosyolek
- Register
- Pidgin
- Creole
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng
partikular na pangkat ng mga tao mula sa
isang partikular na lugar tulad ng lalawigan,
rehiyon, o bayan.
- Naiiba ang punto o tono
- May magkaibang katawagan para sa isang kahulugan
- Iba ang gamit na salita sa isang bagay
- Magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap
Dayalek
Anong barayti ng wika ang ito?
Naga: Mahigoson ka talaga, Andres!
Sorsogon: Maparangahan ka nagad, Andres!
Naga: Magayonon ka, Marita!
Iriga: Naggayon na ka, Marita!
Naga: sogok
Albay: bonay
Dayalek
Barayti ng wika na nililikha at
ginagamit ng isang pangkat o uri
ng panlipunan.
Sosyolek
Ano ang mga iba’t ibang mga pangkat o uri ng panlipunan?
- katayuan/antas panlipunan
- dimensyong sosyal
- paniniwala
- kasarian
- edad
- edukasyon
Anong barayti ng wika ito?
Wika ng mga beki (gay lingo)
- Churchill (sosyal)
- Indiana Jones (hindi sumipot)
- Bigalou (Malaki)
- Givenchy (pahingi)
- Juli Andrews (mahuli)
Sosyolek
Anong barayti ng wika ito?
Coño o Coñotic o conyospeak- isang baryant ng Taglish
- Let’s make kain na.
- Wait lang. I’m calling Anna na
- Come on na. We’ll gonna make pila pa. It’s so haba na naman for sure.
- I know , right. Sige go ahead na.
Sosyolek
Anong barayti ng wika ito?
Jejemon (kabataang jologs)
- nagmula sa salitang jejeje (hehehe) at
salitang mula sa Hapon na pokemon
- sinusulat na may pinaghalo halong numero,
mga simbolo at may kasamang Malaki at
maliliit na titik
Halimbawa:
iMiszqcKyuh- I miss you
MuztaH- Kumusta?
Sosyolek
Ito ay barayti ng wika kung saan natatangi at espisipikong paraan ng
pagsasalita ng isang tao.
Idyolek
Anong barayti ng wika ito?
“Kabayan” Noli De Castro – Magandang
Gabi Bayan
Mike Enriquez – Hindi naming kayo
tatantanan
Idyolek
Ito ay barayti ng wika kung saan
naiaangkop ng isang nagsasalita
ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at kausap. ESTILO ITO SA PANANALITA. Ito ang tawag sa mga espesyalisadong
termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal
na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t
ibang larangan o disiplina.
Register
Anong barayti ng wika ito?
Guro > Estudyante
Abogado > Kliyente
Tindera/Tindero > Suki
Artista > Tagahanga
Register