lesson 3 Flashcards
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika.
Isang pananaw nito ay kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan
(Bloomfield, 1993)
BILINGGUWALISMO
artikulong tinukoy ni Suzanne Romaine ang mga uri ng bilingguwalismo sa mga bata.
Billingual Language Development (1999)
Dito may magkaibang unang wika ang mga magulang bagama’t kahit paano ay nakapagsalita ng wika ng isa ang isa. Isa sa kanilang wika ang dominenteng wika ng pamayanan.
ONE PERSON, ONE LANGUAGE
May kani-kaniya pa ring unang wika ang ama at ina, at isa sa mga ito ang dominenteng wika ng pamayanan. Gayunpaman, mas pinipili nilang kausapin ang kanilang anak sa isang di-dominenteng wika, kahit paglabas ng bata sa bahay ay sa dominenteng wika siya nalalantad.
NON-DOMINANT HOME LANGUAGE/ONE LANGUAGE, ONE ENVIRONMENT
May kaniya-kaniyang wika ang mga magulang ngunit ang dominenteng wika sa pamayanan ay hindi ang alinman sa kanilang wika. Mula pagkasilang, kinakausap na ng mag-asawa ang kanilang anak sa kaniya-kaniyang wika.
DOUBLE NON-DOMINANT LANGUAGE WITHOUT COMMUNITY SUPPORT
Pareho ng unang wika ang mga magulang. Ang wika din nila ang dominenteng wika sa pamayanan. Gayunpaman, isa sa kanila ang laging kumakausap sa kanilang anak gamit ang isang di-dominenteng wika.
NON-DOMINANT PARENTS
Magkatulad ang unang wika ng mga magulang ngunit ang dominenteng wika sa pamayanan ay hindi ang sa kanila. Gayunpaman, iginigiit nilang gamitin ang kanilang unang wika sa kanilang anak.
NON-DOMINANT LANGUAGE WITHOUT COMMUNITY SUPPORT
Sa ganitong uri, bilingguwal ang mga magulang. May sektor din sa lipunan na bilingguwal. Kapag kinakausap ng mga magulang ang bata, nagpapalit-palit sila ng wika. Paglabas naman ng bata sa pamayanan ay katulad din ang sitwasyon.
MIXED
ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o indibidwal na makaunawa at makapagsalita ng ng iba’t-ibang wika.
MULTILINGGUWALISMO
- KAKAYAHAN
- GAMIT
- BALANSE NG MGA WIKA
- GULANG
- PAG-UNLAD
- KULTURA
- KONTEKSTO
- PARAAN NG PAGKTUTO
Dimensyon ng bilingguwalismo at multilingguwalismo:
Ang isang bilingguwal o multilingguwal ay “AKTIBO” kapag naipapakita niya ang kasanayan sa mga wika sa pagsulat at pagsasalita.
Samantala, “PASIBO” naman kapag naipapakita niya ito sa pakikinig o pag-iintindi. Lantad ang unang wika at tago ang ikalawa.
KAKAYAHAN
Ang wikang alam ng isang tao ay may iba’t ibang konteksto o sitwasyong pinanggagamitin, gaya ng pakikipag-usap sa tahanan o paaralan, pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o mga negosyo. Nakaaapekto rin sa pagpili ng wikang gagamitin ang pagiging pormal at impormal ng sitwasyon.
GAMIT
Bihira sa isang tao ang magkaroon ng magkakapantay na kasanayan sa mga wika. Karaniwan ay higit ang kasanayan niya sa isang wika kaysa sa iba o ang pagkakaroon ng wikang dominente, bagama’t nagbabago-bago ito sa paglipas ng panahon.
BALANSE NG MGA WIKA
ang tawag sa kasanayan sa dalawang wika kung mula pagkasilang ay nalilinang na ito.
SIMULTANEOUS BILINGUALISM (GULANG)
ang tawag sa bilingguwalismong ang kasanayan sa isang wika ay patuloy na umuunlad
PAGSULONG (PAG-UNLAD)