LESSON 2 Flashcards
Naging Dekano ng College of Mass Communication sa UP
Rolando B. Tolentino
Nagmula sa Latin word na “Impetere”, na nangangahulugang
“Sumugod” o “sumalakay”
Mababakas sa kwento kung paano kumilos ang mga tauhan batay sa kanilang uri.
Uri
Ang pinagmulan ng kapwa ang pangunahing nais alamin ng salik na ito at relasyon nito sa paggalaw ng lipunan
Lahi at etnisidad
Layunin ng ganitong domeyn ay kilatisin at ipaliwanag ang agwat sa pagitan ng mga kasarian
Sekswalidad at kasarian
Tumutukoy sa pagbangga ng kasalukuyang henerasyon sa nakasanayang pamamalakad pananaw o norms na itinakda ng mga naunang henerasyon
Henerasyon
Sa panitikan nagbubukas ito ng mga kamalayan ng bawat isa sa bawat rehiyon
Relihiyon
Mahalagang araling ito dahil naglalayon daw itong pagtuunan ng pansin ang pang araw-araw na gawaing bilang manipestasyon ng historikal o ang pagsasakatuparan ng bisyong panlipunan
Subkultura
Mula sa salitang griyego na “krino” na nangangahulugang manghusga
Kritisismo
Ang layunin ng panunuring ito ay bigyang interpretasyon ang isang likhang sining sa pamamagitan ng pang-unawa sa panahon at kultura ng maisulat ang akda
Historical
Ang pamamaraang ito ay nakatuon sa buhay ng mga may akda
Bayograpikal
Binibigyang pansin kung “paano” naisulat ang isang akda sa pagsiyasat ng banghay characterization dayalogo istilo at iba pa. Sa madaling salita nakatuon ang ganitong pagbasa at pagsuri sa porma o form
Pormalismo / pormalistiko
Sa teoryang ito ang lipunan ay nahahati sa uri. Ang bawat uri ay mayroong relasyon sa produksyon na dulot ng kapitalismong umiiral sa lipunan.
MARXISMO AT POLITIKAL NA KRITISISMO
Layunin ng ganitong kritisismo ay labanan ang diskriminasyon sa pagitan ng mga kasarian.
PANGKASARIANG KRITISISMO
(FEMENISMO, QUEER)
Nais nitong basagin ang pagkakataon at kumpensyunal na pagtingin sa mga babae sa panitikan na mahina, marupok, sunod-sunuran, emosyonal, at iba pang uri ng pang-aapi.
Feminismo
Nagsasaad ng ating personal na identidad ay patuloy na nagbabago. Nagsimula ito noong 1980’s bilang studies na nagmula rin ang pinaka idea sa sinusulong ng feminismo.
Queer Theory
Ang kolonyalismo ay ang pwersang pananakop ng makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa
Post kolonyalism
Umusbong ang teoryang ito sa europa noong ikalawanghati ng ikalabingwalong dantaon. Mayroong dalawang uri ng romantisismo ayon kay VILLAFUERTE , una ang ROMANTISISMONG TRADISYUNAL na hindi tumatanaw sa halagang pantao samantalang ang ikalawa’y tinatawag na ROMANTISISMONG REBOLUSYONARYO na pinalulutang nito ang pagkamakasariling karakter ng isang tauhan.
ROMANTISISMO
Sa teoryang ito ay pinahahalagahan ang existence o paginog, maaari ring ang proseso ng pagiging o being. Walang
tiyak na simulain ang eksistensyalismo. Halimbawang akda
nito ay ang tula ni Alejandro G. Abadilla na
“Ako Ang Daigdig”.
EKSISTENSYALISMO
Noong Renaissance o Muling Pagsilang sa Italya umusbong ang
teoryang ito. Binibigyang-tuon daw ng teoryang ito ang tao o
human, at ang taong nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng
kultura ay matuturing na sibilisado. Ang humuhubog at lumilinang
sa tao ay tinatawag naman humanismo.
Humanismo