LESSON 2 Flashcards
Ito ay isang uri ng pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng mangangatha o manunulat.
Panitikan
Isang uri ng sining na nagpapayaman ng
kaisipan at karanasan,
nagpapalalim
ng
pagkaunawa,
lumilinang
ng
kamalayang
pansarili,
panlipunan
at
pambansa,
at
nagpapahalaga ng mga karanasang magiging
timbulan sa oras ng pangangailangan.
Panitikan
Ito tumutukoy sa mga akda na nakasulat onaisulat ng mga manunulat at kadalasang naglalarawan ng karanasan, emosyon, kaisipan, at iba pang mga konsepto na nais ipahayag ng may-akda.
PANITIKAN
Ito ay naglalarawan ng buhay, kultura, pamahalaan,relihiyon, at iba pang karanasan na nabibigyang kulay ng iba’t ibang damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot, at pangamba.
Panitikan
Ito ay isang uri na naglalaman ng mga kwentong kathang-isip na nagpapakita ng mga karakter, pangyayari, at mga lugar na hindi tunay o hindi nangyari sa totoong buhay. Kabilang dito ang mga nobela, maikling kwento, tula, at iba pa.
Panitikang piksyon
Sa panitikang ito, ang may-akda ay gumagawa ng isang mundong kathang-isip at naglalagay ng mga karakter na may sariling personalidad, pangangailangan, at damdamin.
Panitikang piksyon
Ito ay isang uri ng panitikan na hindi naglalaman ng
mga kwentong kathang-isip, ngunit naglalayong magbigay ng
impormasyon at kaalaman sa mambabasa.
panitikang hindi piksyon
Ito ay binubuo ng iba’t ibang anyo ng mga teksto na nakasulat,tulad ng mga aklat, artikulo, sanaysay, biograpya, mga pagsasaliksik at iba pa.
Kabilang sa mga halimbawa ng nito ay ang mga aklat sa kasaysayan, agham, teknolohiya, pamamahala, relihiyon, at iba
pang mga aklat
Panitikang hindi piksyon
Ito ay tumutukoy sa pangunahing
tema o ideya ng isang akda.
Paksa
Ito ay mga karakter o
personalidad na lumilitaw sa akda.
Tauhan
Ito ay tumutukoy sa maayos
na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.
Banghay – Ang banghay
Ito ay tumutukoy sa lugar at
panahon na kung saan naganap ang kuwento.
Tagpuan – Ang tagpuan
Ito ay tumutukoy sa pagkakasulat at paggamit
ng wika ng manunulat.
Estilo
Ito ay tumutukoy sa dahilan kung bakit
isinulat ang akda. Maaaring ito ay para maglahad ng isangmensahe, mag-aliw, magbigay ng kaalaman, o magpabago
ng pananaw ng mambabasa.
Layunin
Ito ay tumutukoy sa pakikipagusap ng manunulat sa mambabasa. Ito ay maaaring magingmalungkot, masaya, nakakainis, nakakapagtaka, at iba pa.
Tonong Pampanitikan