lesson 2 Flashcards
tumutukoy sa kalagayan ng wika sa kasalukuyang panahon.
SITWASYONG PANGWIKA
Pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento o pelikula
ISKRIP/SEQUENCE
Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
SINEMATOGRAPIYA
Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento
DISENYONG PAMPRODUKSYON
Nagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo
TUNOG AT MUSICAL
Ayon kay _____ ang ______ ay isang sining ng panggagaya o pag iimita sakalikasan ng buhay.
ARISTOTLE, DULA
ITO ANG PINAKAKALULUWA NG ISANG DULA
ISKRIP/BANGHAY
ANG NAGSISILBING TAUHAN NG DULA AT NAGSASABUHAY SA MGA TAUHAN SA ISKRIP.
AKTOR O KARAKTER
BITAW NA LINYA NG MGA AKTOR
DAYALOGO
pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula
TANGHALAN
taong nag-iinterpret sa script mula sa pagpasya ng itsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan, hanggang sa paraan ng pagganap, at pagbigkas ng mga tauhan
TAGA-DIREHE O DIREKTOR