Lesson 2 Flashcards
Nagtataglay ng iba’t-ibang salita ngunit pareho o iisa lamang ang kahulugan.
Homogeneous na Wika
Ito ang wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito.
Heterogeneous na Wika
Ito ay ang pagkakaiba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao, maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.
Barayti ng Wika
(2) Uri ng Barayti ng Wika:
Permanenteng Barayti
Pansamantalang Barayti
Ito ay wikang likas at nakasanayan nang gamitin ng mga tao sa lipunan.
Permanenteng Barayti
Salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan
Diyalekto/Dayalekto
May sariling istilo ng pamamahayag at pananalita
Idyolek
Ito ay wikang hindi nagtatagal sapagkat nakabatay lamang sa lagay ng panahon sa lipunan
Pansamantalang Barayti
Ito ay nabubuo ng dimensyong sosyal. Nakabatay sa pangkat ng lipunan.
Sosyolek
apat na barayti NG SOSYOlek:
Gay lingo
Coño/Conyo
Jejemon o Jejespeak
Jargon
Nilikha ang wikang ito sa mga etnolinggwistikong pangkat
Etnolek
Halimbawa ng etnolek:
Vakkul
TOHAN
Ifugaw
Hudhuh
T’boli
Taglay ng ka-impormalidad sa paggamit ng wika, kalimitang ginagamit sa tahanan.
Ekolek
Wikang nabuo dahil sa iba’t ibang propesyon na umiiral.
Jargon
Nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan ng tagapagsalita at walang pormal na anyo
Pidgin
Isang wika na orihinal na nagmula sa pagiging pidgin ngunit nang maglaon ay nalinang at lumaganap sa isang lugar hanggang ito na ang maging unang wika.
Creole
pinaghalong Tagalog at Espanyol
Chavacano
pinaghalong African at Espanyol
Palenquero
pinaghalong Portuguese at Espanyol
Annobonese
Ito ay ang iba’t-ibang uri ng mga wikang ginagamit sa komunidad sa paglipas ng panahon. Nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito at naibabahagi ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at damdamin sa paggamit nila sa wika sa pakikitungo sa isa’t-isa.
LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD
May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba
(Chomsky, 1965 at Lyons, 1970)
MGA HALIMBAWA NG LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD:
Sektor
Yunit
Grupong Pormal
Grupong Impormal
kung saan ang mga manggagawa na may karapatan at tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa.
Sektor
team o koponan ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.
Yunit
isang halimbawa nito ay Bible Study Group na nangangaral ng Salita ng Diyos.
Grupong Pormal
isang karaniwang halimbawa nito ay barkada.
Grupong Impormal
Ito ang nakagisnang wika ng isang indibidwal.
Ito ay kadalasang unang natutunan/itinuturo sa loob ng tahanan.
Ito rin ay kilala sa tawag na “katutubong wika”
UNANG WIKA
Ito ang wikang natutunan ng isang indibidwal sa pakikisalamuha sa kanyang kapwa.
IKALAWANG WIKA
Ito ang wikang nagbabago at nagagamit ng indibidwal sa pakikisalamuha sa lipunang kanyang kinabibilangan.
IKATLONG WIKA
Ito ay kakayahan ng isang tao na kayang magsalita ng higit sa isang wika o lenggwahe.
BILINGGUWALISMO
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o indibidwal na makaunawa at makapagsalita ng iba’t-ibang wika.
MULTILINGGUWALISMO