lesson 1 - Kasaysayan ng Wikang Pambansa Flashcards
Pambansang awit ng Pilipinas?
Lupang Hinirang
Ano ang pambansang sasakyan?
Kalesa
Ano ang pambansang hayop?
Kalabaw
Ano ang pambansang tirahan?
Bahay Kubo
Ano ang pambansang bulaklak
Sampaguita
Ano ang pambansang prutas
Mangga
Ano ang pambansang dahon
Anahaw
Ano ang pambansang pagkain
Lechon
Ano ang pambansang hiyas
perlas
Ano ang pambansang sapin sa paa
bakya
Ano ang pambansang sayaw
carinosa
Ano ang pambansang laro?
arnis
Ano ang pambansang puno
narra
Ano ang pambansang Ibon?
Agila
Ano ang pambansang bayani?
Dr. Jose Rizal
Ano ang pambansang wika
Filipino
Sa pananakop ng Espanya, ano ang opisyal na wikang panturo?
Espanyol
Nnag sakupin ng Amerika ang Pilipinas, ano ang mga wikang ginamit sa mga kautusan at proklamasyon?
Ingles at Espanyol
Ang ating nalalamang kasaysayan na sinulat bago dumating ang mga Espanyol ay nahahati sa dalawang bahagi (bipartite) ang Kasaysayan ng Pilipinas
- panahon na tayo ay nasa kadiliman, mga barbaro, mga walang sariling kultura, at atrasado;
- panahon ng kaliwanagan kung saan tinanggap naitn ang Nuestra Maravillosa Civilizacion
ano ang tripartite o tatlong bahaging historikal na ideolohiya ni Rizal?
- May sariling sibilisasyon anf Pilipinas at may angking kaunlaran, taglay ang kaniyang kakayahan at katangian
- Pagkabulok at pag atras ng lipunan sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol. Pagkawala ng kabutihang sibiko at pagkalulong sa bisyo. Kanser ng lipunan sa huling bahagi ng ikaw-19 na sigla
- Paglaya ng malikhaing pwersa ng ating lahi sa pagkakamit ng kalayaan.
Ano ang ipinagamit na wika noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol?
Wikang katutubo
Ano ang naganap noong panahon ng rebolusyong pilipino?
Ipinaglaban ng mga samahang rebolusyonaryo
at ng ating mga kagalang-galang na bayani ang
ating lahi upang makamit nating mga Pilipino
ang kalayaan na ating nais makamit. Kasama
rito ang ating kalayaan sa paggamit ng ating
sariling wika.
Ano ang naganap sa ating wika noong panahon ng mga amerikano?
Malayang ipinagamit ang wikang Ingles.
Itinuro ang Ingles sa mga paaralan at
ginamit ang Ingles bilang wika ng pagtuturo.
Maraming Pilipino ang natuto at nagsalita sa
Wikang Ingles
Ano ang naganap sa ating wika noong panahon ng panankop ng mga hapon?
Nang lumunsad sa dalampasigan ng
Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo
ang isang grupong tinatawag na “purista”.
Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog
na mismo ang wikang pambansa at hindi na
batayan lamang
sa panahon ng hapon ano ang wikang opisyal?
Niponggo at Tagalog
Kailan ang Gintong Panahon ng Tagalog?
PANAHON NG MGA
HAPON.
Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Kastila
at Ingles. Naging puspusan ang
pagpapagamit ng Tagalog sa mga paaralan.
kailan ganap na ipinatupad and Batas Komonwelt Blg. 570 ?
Hunyo 4, 1946 –
ano ang Batas Komonwelt Blg. 570?
Hunyo 4, 1946 – ganap nang ipinatupad
ang Batas Komonwelt Blg. 570 na
nagtatakdang wikang opisyal na ang
pambansang wika.
Kailan nilagdaan ni Pangulong
Ramon Magsaysay ang Proklamasyon
Blg. 12?
Marso 6, 1954
Sinong pangulo ang naglagda sa pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa mula Marso 29
hanggang Abril 4 taon-taon.
Pangulong
Ramon Magsaysay ang Proklamasyon
Blg. 12 - Marso 6, 1954
Kailan sinusugan ng
Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto
13 hanggang 19 taon-taon
Setyembre 1955
Ano ang Proklamasyon Blg. 186?
ang paglilipat sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto
13 hanggang 19 taon-taon bilang
paggunita sa kaarawan ni Pangulong
Manuel Quezon na kinikilala bilang “Ama
ng Wikang Pambansa.”
Kailan – inilabas ni Kalihim Jose F. Romero
ng Kagawaran ng Pagtuturo ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
1959 - inilabas ni Kalihim Jose F. Romero
ng Kagawaran ng Pagtuturo ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
nagtatakdang “kailanma’t tutukuyin ang
Wikang Pambansa, ito ay tatawaging
Pilipino.”
noong 1959 sino ang nagsabi kung ano ang ating wikang pambansa? at ano ang tawag dito?
Kalihim Jose F. Romero - kagawaran nf pagtuturo
kautusang pangkagawaran Blg. 7 - Pilipino
Kailan nilagdaan ni
Pangulong Ferdinand Marcos ang
Kautusan Tagapagpaganap Blg. 96
Oktubre 24, 1967
ano ang ang
Kautusan Tagapagpaganap Blg. 96
- nilagdaan ni
Pangulong Ferdinand Marcos - nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino
- Oktubre 24, 1967
kailan naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya?
1970
ano ang g Resolusyon Blg. 70.?
1970 – naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa
ng Resolusyon Blg. 70.
Kailan ang Order
Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987?
Marso 12, 1987
ano ang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987,
- sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng
Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. - Marso 12, 1987
DAHILAN SA PAGPILI SA TAGALOG
BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA NG PILIPINAS
Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan.
kailan:
a. Katutubong wikang
pinagbatayan ng
pambansang wika ng
Pilipinas ?
b. Unang tawag sa
pambansang wika ng
Pilipinas?
c. Kasalukuyang tawag sa
pambansang wika ng
Pilipinas, lingua franca ng
mga Pilipino, at isa sa mga
opisyal na wika sa Pilipinas
kasama ng Ingles?
a. 1935
b. 1959
- Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo
- Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
c. 1987
- Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987,
Bakit may Wikang
Pambansa?
sa gayon, ay
nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan ng damdamin ng
pagkakaisa ang mga mamamayan na may iba-ibang wikang
katutubo.