Lesson 1: Kahulugan ng Wika Flashcards
Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Henry Gleason
Ayon naman kay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_, Ang wika ay pulitika, nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol ng kapangyarihan kung paanong magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan
George Lakoff
Isang pangunahin at pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolong gawaing pantao.
Archibald Hill
Paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao
Jose Villa Panganiban
Wika ang ginagamit . natin upang malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama
Nenite Papa
Wika bilang mahalagang kasangkapan sa pag-unlad ng kapwa ng indibidwal at ng bansa
Pamela Constantino at Monico Atienza
Makaagham na
pag-aaral ng wika
Linggwistika
Sangay ng Linggwistika na tumatalakay sa pagkakaugnay-ugnay ng wika sa iba’t ibang kultural na salik ng sistemang panlipunan.
Metalinggwistika
Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao.
Sturtevant 1968
Ang wika ay masasabing sistematikong set ng mga simbolong arbitraryo, pasalita na nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao.
Brown 1980
Ang wika ay isang masistemang arbitraryo, ang simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan.
Finnocchiaro 1964
Ang wika ay binubuo ng kahulugan.
Binubuo rin ito ng mga patakaran at pinagsasama-samang mga simbolo na makabubuo nang walang katapusan at iba’t ibang mensahe.
Weiten 2007
Ang wika ay isang maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng nararamdaman, isang instrument din ng pagtago at pagsiwalat ng katotohonan.
Dr. Pamela Constantino
Ang Wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan
Mangahis Et. Al 2005
Ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang mga tunog at mga simbolo na nagagamit upang masabi ang nararamdaman, kaisipan at mga karanasan.
Bruce A. Goldstein 2008
Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugalian ng lahing lumikha nito. Ito ay salamin ng lahi at kanyang katauhan
Alfred North Whitehead
Ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na abstrak ng antas: may magkatulad na katangiang linggwistik.
Noam Chomsky
Ang wika ay nangangahulugan ng isang buhay at bukas sa sistema na nakikipag-interaksyon. Ang mga taong kabilang sa isang kulturang gumagamit ang nagbabago nito.
Makatao at panlipunan ang kasanayang ito.
Dell Hymes 1972
Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.
Webster 1990
Ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog arbritaryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.
Hutch 1991
Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang particular na layunin ng ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag.
Bouman 1990
Ang wika ay may gamit na instrumental.
Nakakatulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan, pagpapahayag ng berbal, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos at pakikipag-usap
Michael Alexander Kirkwood Halliday 1973
Ang wika ay nakasalalay sa mga karanasan o pangyayaring natatangi sa isang nilalang
Richard Hudson
ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na gamit araw-araw. Kalipunan nito ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
wika