LESSON 1: BALITA, PAMATNUBAY, AT PALABANTASAN Flashcards
Ito ay ang napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap, at magaganap pa lamang. Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat, at pampaningin.
BALITA
Ano ang tatlong salik na mahalaga sa balita?
- MGA PANGYAYARI O DETALYE NITO
- KAWILIHAN
- MAMBABASA
Ano ang apat na kahalagahan ng balita?
- NAGBIBIGAY IMPORMASYON
- NAGTUTURO
- LUMILIBANG
- NAKAPAGBABAGO
Katangian ng balita na tumutukoy sa kawastuhang paktuwal: Tunay na pangyayari, katumpakan ng pangkalahatang impresyon; kaayusan ng mga detalye, tamang pagbibigay diin, hindi magulo o masalimuot ang diwa.
GANAP NA KAWASTUHAN
Katangian ng balita kung saan inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot.
KATIMBANGAN
Katangian ng balita kung saan ang mga impormasyon ay tunay at aktiwal at hindi gawa-gawa lamang.
MAKATOTOHANAN
Katangian ng balita kung saan ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.
KAIKLIAN
e. kalinawan
e. kasariwaan
Ito ay ang katangiang taglay ng isang pangyayari na maaaring nakapagbigay ng kasiyahan sa mambabasa.
SANGKAP NG BALITA
Sangkap ng balita kung saan ang pangyayari’y kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung ang pangyayari ay matagal nang naganap ngunit ngayon lamang natuklasan.
KAPANAHUNAN
Sangkap ng balita kung saan mas interesado ang mga tagapakinig o mambabasa na malaman ang nangyayari sa kanilang paligid o pamayanan kaysa sa malalayong lugar.
KALAPITAN
Sangkap ng balitang nakaaakit at nakatatawag pansin kung bantog o kilala ang paksa ng balita.
KATANYAGAN
Sangkap ng balita na nagtatampok ng mga bagay na pambihirang mangyari gaya ng isang lalaking nagdadalantao o isang taong patay na nabuhay at nang makita siyang nasa loob siya ng ataul, siya ay namatay uli dahil sa takot.
DI-KARANIWAN, PAMBIHIRA
Sangkap ng balitang tumutukoy hindi lamang sa laban ng tao laban sa kapwa, maaari rin itong pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao laban sa kaniyang sarili.
TUNGGALIAN
Sangkap ng balitang umaantig ng damdamin at kaukulang reaksyon ng mambabasa upang siya’y paiyakin, pagalitin, pahangain atbp.
PAMUKAW-DAMDAMIN O KAWILIHAN
Sangkap ng balitang anumang pagbabago at kaunlarang pangyayari sa pamayanan ay maaaring paksain ng balita tulad ng pagpapatayo ng mga bagong gusali, kalsada, pamilihang bayan atbp.
PAGBABAGO AT KAUNLARAN
Sangkap ng balita kung saan ang halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa pananalapi, resulta ng eleksyon atbp.
BILANG O ESTADISTIKA
Sangkap ng balitang tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng mga nakapasa sa board examinations. Kung marami ang mga pangalang nakalathala na nasasangkot sa balita, dumarami rin ang mga mambabasa.
PANGALAN
Sangkap ng balita kung saan ang halimbawa nito ay ang mga bagong inakay na Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo sa pamamagitan ng artipisyal inseminasyon.
HAYOP
Sangkap ng balita kung saan kapag nagkakaroon ng malakas na bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pa. Karaniwang pinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.
KALAMIDAD
Uri ng balita ayon sa istilo ng pagkakalahad ng datos.
- TUWIRANG BALITA
- PABALITANG LATHALAIN
Uri ng balita ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos. Diretsahan ang pagkakahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombensyonal o kabuuang pamatnubay.
TUWIRANG BALITA
Uri ng balita ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos. Hindi diretshan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng makabagong pamatnubay.
PABALITANG LATHALAIN
Ani ang uri ng balita ayon sa lugar na pinangyarihan kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng tagapakinig o mambabasa.
LOKAL NA BALITA
a. pambarangay
b. pambayan
c. panlunsod
d. panlalawigan
e. panrehiyon
f. pambansa
Ano ang uri ng balita ayon sa lugar na pinangyarihan kung ang nasasaklaw ay labas sa bansa (international)
BALITANG PANG-IBANG BANSA
Uri ng balita ayon sa pinagbatayan o pinagkukunan. Ang manunulat/ mambabalita ay naroon mismo sa lugar na pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.
BATAY SA AKSYON
Uri ng balita ayon sa pinagbatayan o pinagkukunan. Kung ang pinagbatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang ahensya.
BATAY SA TALA
Uri ng balita ayon sa pinagbatayan o pinagkukunan. Kung ang pinagkukunan ng datos ay ang talumpati ng mga kilalang tao.
BATAY SA TALUMPATI
Uri ng balita ayon sa pinagbatayan o pinagkukunan. Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong sangkot o may alam sa pangyayari.
BATAY SA PAKIKIPANAYAM