Lesson 1 and 2 Flashcards
Pagpapalit ng orihinal na /ng/ kapag ang kasunod na titik ay /p/ at /b/ o ng /n/ kapag ang kasunod na titik ay /t/, /d/, /l/, /r/, /s/.
Asimilasyon
- May mga salitang-ugat na kapag nilagyan ng panpaling mang- o pang-, kasama ng iba pa nitong anyo tulad ng ipang-, maipang-, makapang-, at mapang-, ang /ng/ ay hindi dumaraan sa asimilasyon hangga’t hindi pinapalitan ang unang tunog ng salitang-ugat.
- Sa pagbabaybay, ang pagpapalit na ito ay ipinahihiwatig ng paggamit ng /m/ bilang kapalit ng /ng/ at ng kasunod na titik /t/, /d/, at /s/.
Pagpapalit o Replacement
Ay kabuuan ng mga akda, o ang disiplina ng pag-aaral nito.
Panitikan
Ay pagpapahayan ng kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan sa pamamagitan ng isang aesterikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.
Tunay na Panitikan
Kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
Alamat
- Mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
- Karaniwang kaugnay ang ______ ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito
Kuwentong bayan
Tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Epiko
Ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin gaya ng Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid.
Awiting Bayan
Nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
Salawikain
Mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
Sawikain
Maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan.
Bugtong
___ Ang isang panitikan kung ito ay nasusulat sa karaniwang
daloy ng pangungusap at sa patalatang paraan
Tuluyan
____ naman ay yaong nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugma o dili kaya’y malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.
Patula
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na nagaganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
Nobela
Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
Maikling Kwento
Isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
Dula