Lesson 1 Flashcards
- Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956
- Lupon ng Pambansang Edukasyon noong Agosto 16, 1956
- Nagpanukala ng naturang batas ay si Sen. Jose P. Laurel Sr.
Batas Republika Blg. 1425
Sino nagpanukala ng naturang batas republika blg. 1425
Sen. Jose P. Laurel Sr.
Hinahangad ng pagpapatupad ng 3 yunit na kursong Rizal ang mga sumusunod:
a. Maikintal sa kaisipan ng mga Pilipino ang mga simulain ng kalayaan at nasyonalismo sa pamamagitan ng pag-aaral sa kanyang buhay, mga ginawa at sinulat, higit sa lahat ay ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
b. Malinang nang malinaw ang pagkaunawa sa mga simulain, adhikain, pagpapahalaga at kaisipang taglay ni Rizal na naging sanhi ng kanyang kamatayan at maging halimbawa ang mga ito sa mga kabataan upang maiangkop ang kanilang sarili sa nagaganap sa kasalukuyan.
c.Malinang ang kagandahang asal, disiplinang pansarili, budhing sibiko at magampanan ang mga tungkulin ng mabuting mamamayan sa pamamagitan ng pag-aaral at pagpapahalaga sa mga katangian at kaasalan ng bayani.
Isinugo ni Andres Bonifacio si ____ kay Rizal
Pio Valenzuela
Kailan namatay si Rizal
Disyembre 29, 1897
May opisyal na hakbang na isinagawa ang Unang Komisyon ng Estados Unidos sa pagpili ng Pambansang Bayani. Pinaguluhan ito ni ______ kasama niya sina W. Morgan Shuster, Bernard Moses, Dean Warcester, Henry Clay Ide at mga kinikilalang Pilipino sina Trinidad Pardo de Tavera, Gegorio Araneta, Cayetano Arellano at Jose Luzuriaga
William Howard Taft
Sa pahayag ni _____, isang taong Dalubhasa sa Antropolohiya at damdamin katulong na tekniko ng komisyon, naipasya ng lupon na ang mga sumusunod ang maging pamantayan sa pagpili ng Pambansang Bayani.
Dr. Otley Beyer
Ano ang mga kailangan para maging Pambansang Bayani
(a) Isang Pilipino
(b) Namayapa na
(c) May matayog na pagmamahal sa bayan.
(d) May mahinahong damdamin ngunit may matatag na pagpapasya sa paglutas sa mabibigat na suliranin.
Limang pangalan ang pinagpilian ng komisyon, ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Marcelo H. del Pilar
Jose Rizal
Emilio Jacinto
Graciano Lopez Jaena
Hen. Antonio Luna
Ang tatlong dahilan kung bakit napiling bayani si Dr. Jose Rizal ay mga sumusunod:
a. Kauna-unahan siyang gumising sa kaisipan ng buong bansa na maunawaan ang aping kalagayan ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Kastila.
b. Huwaran siya ng kapayaan. Likas na tahimik ang mga Pilipino at ayaw nila ng mapusok.
c. Sentimental ang mga Pilipino. Ang kaapihang dinanas ni Rizal sa mga kamay ng Kastila sapul sa pag-uusig, paglilitis, pagbaril sa Bagumbayan at paglilibing sa sementeryo ng Paco ay angkop sa pagiging sentimental ng mga Pilipino.