Lesson 1 Flashcards
Ang florante at laura ay isinulat ni?
Francisco “Balagtas” Baltazar
Kailan niya isinulat ang Florante at Laura?
1838
ang Florante at Laura ay isinulat noong panahon ng pananakop ng mga?
Espanyol
Sa panahong ito, mahigpit na ipinatupad ang?
sensura
ipinatupad ang sensura kaya’t ipinagbawal ang mga _______ at ______
babasahin at palabas
ang babasahin at palabas ay?
tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga espanyol
Dahil sa pagkontrol ng mga ______, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa _________ o sa _______ __ ____ _ ________
espanyol, relihiyon, paglalaban ng Moro at Kristiyano
Ang paglalaban ng Moro at Kristiyano ay tinatawag ding?Gayundin ang?
komedya o moro-moro, diksyonaryo at aklat-panggramatika
Sa kabila ng mahigpit na sensura ng mga espanyol ay naging matagumpay si ________ na mailusot ang kaniyang ____
Balagtas, awit
at ang __________ __ ___ ____ __ ____________ rin ang temang ginamit niya rito bagamat naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina ________ __ _____
paglalaban ng mga Moro at Kristiyanismo, Florante at Laura
Naitago niya sa pamamagitan ng paggamit ng ________ ang mensaheng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga ________
alegorya, Espanyol
Gumamit rin siya ng __________ na kakikitaan ng pailalim na diwa ng ____________
simbolismo, nasyonalismo
Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan sa ________ __ _______
kaharian ng Albanya
Ang kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng naganap na __________, _________, at ang ________ __________ __ _________ sa ilalim ng pamamahala ng ________
kataksilan, kalupitan, kawalang katarungan sa Pilipinas, Espanyol
Ang Florante at Laura at nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay tulad ng:
*wastong pagpapalaki sa anak
*pagiging mabuting magulang
*pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
*pag-iingat laban sa mga taong mapagkunwari at makasarili
*pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno dahil sa pinunong sakin at mapaghangad sa yaman