Lecture 1: Tanggol Wika/ Posisyong Papel Flashcards
Kailan nagsimulang ipaglaban ng mga
iskolar, guro, mag-aaral at mga
nagmamahal sa wikang Filipino
sa pangunguna ng ____________________ ang
pananatili ng Filipino bilang
asignatura sa antas ng kolehiyo.
Hunyo 28, 2013; Alyansa ng
mga Tagapagtanggol ng Wikang
Filipino (Tanggol Wika)
Nabuo sa isang konsultatibong
forum (Tanggol Wika) noong ______________ sa ___________________________
Hunyo 21, 2014; De
La Salle University-Manila
ano ang Filipino na katumbas ng CHEd?
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon
● Itinakda ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon /
Commission on Higher Education (CHED)
● Nagsaad ng mga bagong general education curriculum.
● Walang Filipino bilang bahagi ng mga GE subjects sa
antas ng kolehiyo.
● Sinabi ng Komisyon na ang pagbabagong ito ay bahagi
ng pagpapaunlad ng edukasyong Pilipino sa anatas
kolehiyo bunsod ng implementasyon ng Batas K to 12.
CHEd Memorandum Order (CMO) Bilang 20, Serye 2013
Ang CMO20 serye 2013 ay ilinagdaan ni?
Punong Komisyoner na si Kom. Patricia Licuanan.
Ano-ano ang mga antas na Asignatura na nanatili at itinuturo sa kolehiyo
● Pag-unawa sa Sarili/
Understanding the Self
● Mga Babasahin Hinggil sa
Kasaysayan ng Pilipinas/
Readings in Philippine History
● Ang Kasalukuyang Daigdig/ The
Contemporary World
● Matematika sa Bagong Daigdid/
Mathematics in the Modern
World
● Pagpapahalaga sa Sining/
Art Appreciation
● Siyensiya, Teknolohiya at
Lipunan/ Sciencee
Technology and Society
● Malayuning Kominikasyon/
Purposive Communication
● Etika/ Ethics
Naglabas ng kauna-unahang dokumentong hindi nangiming ilantad ang maling desisyon ng CHED
PSLLF (Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino)
Ano-ano ang mga paaralan na pumirma sa posisyong papel
● Departameneto ng FIlipino ng
Pamantasang De La Salle-Manila
● Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas (PUP)
● Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
(UP)
● Unibersidad ng Santo Tomas
(UST)
● Far Eastern University
● San Beda College
● National Teachers Collegee (NTC)
● Mindanao State University-Iligan
Institute of Technology
● Technological University of the
Philippines
● League of Filipino Students (LFS)
● Alliance of Concerned Teacher (ACT)
● KATAGA
● Anakbayan
● National Commission of Culture and
the Arts (NCCA)
KAILAN?
● Nagpadala ng posisyong papel ang PSLLF sa
CHED, partikular na sa Tanggapan ni Kom.
Licuanan.
● Nakasaad dito ang mahahalagang argumento
kung bakit dapat manatili ang Filipino bilang
asignatura sa kolehiyo.
Hulyo 14, 2014
Ano-ano ang mahalagang argumento ng PSLLF?
- Patakarang Bilinggwal/
Department Order No. 25, Series of
1974 - Artikulo XIV, Seksyon 3 ng 1987
Konstitusyon - Dapat ituro ang Filipino sa kolehiyo
dahil sa patuloy na globalisasyon at
ng ASEAN Integration
● - Ngayo’y operatibo at may bisa mula baitang 4
hanggang antas tersyarya.
● - Ang wikang pambansa ang dapat na maging
wikang panturo sa Social Studies/ Social Science,
Music, Arts, Physical Education, Home Economics,
Practical Arts at Character Education
Patakarang Bilinggwal/
Department Order No. 25, Series of
1974
- Pinanindigan ng PSLLF na alinsunod dito,
kailangang palawakin ang paggamit ng wikang
Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng 1987 Konstitusyon
- Nararapat lamanag na pagtibayin ng mga
Pilipino ang sariling wika at panitikan, upang
makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng
global at rehiyonal na integrasyong sosyo-
kultural.
Dapat ituro ang Filipino sa kolehiyo dahil sa patuloy na globalisasyon at ng ASEAN Integration
Panawagan ng Tanggol Wika?
- Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo;
- Rebisahin ang CHED Memorandum Order 20, series of 2013
- Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at
- Isulong ang makabayang edukasyon
Nagpapirma ng petisyon ang Tanggol Wika na nilagdaan ng humigit-kumulang _________ na mag-aaral, guro, iskolar at nagmamahal sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang unibersidad at sektor ng lipunan
700,000
● Nagsampa ng kaso ang Tanggol WIka sa
Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema sa
bansa.
Abril 15, 2015
Ang pagsasampa ng kaso ay pinangunahan ni ____________ at ng
mahigit 100 properso at iskolar.
Dr. Bienvenido Lumbera
Ang nasabing petisyon ay nakatala bilang G.R.
No. 217451 ay itinuring na kauna-unahang
buong petisyong nakasulat sa _________.
Filipino
Ayos sa petisyon inilabag ng CHEd ang ss:
- Batas Republika 7104 (Commision on the Filipino Language Act)
- Batas Republika Bilang 232 (Education Act of 1982)
- Batas Republika Bilang 7356 (An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts)
● Naglabas ang korte ng temporary restraining
orader (TRO).
● Kinampihan ng hukuman ang mga
argumentong nakatala sa petisyon.
● Itinuring na tagumpay ng nasabing alyansa at
ng mga kababayang nagmamahal sa wika at
kulturang Filipino.
Abril 21, 2015
● Tinanggal ng Korte Suprema ang TRO at
tuluyang nang binasura ang asignaturang
Filipino at Panitikan sa antas kolehiyo.
● Ito ay batay sa 94 na pahinang desisyon na
isinulat ni Associate Justice Benjamin Caguiao
bukod pa ang pagsasabihhing konstitusyonal
ang pagsasabatas ng Batas K-12.
2018
Kailan inihain nina _______________ Rep. Antonio
Tinio at Rep. France Castro sa Kongreso ang
Panukalang Batas Bilang 8954 o batas na
nagtatakda na hindi bababa sa siyam (9) na
yunit ng asignaturang Filipino.
Enero 30, 2019; ACT Teachers Partylist
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat
pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.”
1987 Konstitusyon ng Republika ng
Pilipinas, Artikulo XIV, Seksyon 6
Pinagtibay na (denied with finality) ng Korte
Suprema ang desisyon nitong tanggalin ang
mga asignaturang Panitikan at Filipino sa
antas-kolehiyo.
Marso 5, 2019
Sinong karakter ng nobela ni Rizal ang itinatago ang mukha sa makapal na kolorete upang maging isang banyaga
Donya Victorina
Sinimulang ituro ang mga bagong GE subjects sa bisa ng CMO bilang 20 noong taong panuruan
2018-2019
ay isang uri ng
pagsulat na naglalayong ipahayag
ang sariling pananaw at opinyon
tungkol sa isang partikular na isyu
o paksang pinagtatalunan.
Posisyong Papel
Sa pamamagitan ng pagbuo ng ______________ nagiging malinaw ang paninindigan ng isang
indibidwal sa isang paksa at
nagbibigay-daan ito sa
pagpapahayag ng kanyang mga
argumento at patunay.
Posisyong Papel
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
- Pagsusuri ng mga patunay
- Pangangatwiran
- Paglalahad ng Matibay na Ebidensya
Upang maging malakas ang posisyong papel,
kinakailangan ang paggamit ng mga sapat na
patunay at datos na nagtataguyod sa iyong
pananaw.
Pagsusuri ng mga patunay
Ito ay nagpapakita ng malalim na pagsusuri at
pag-aaral sa isang paksa.
Pagsusuri ng mga patunay
Mahalagang magkaroon ng maayos at lohikal
na pangangatwiran sa loob ng posisyong
papel.
Pangangatwiran
Ang mga argumento ay dapat na malinaw,
matibay, at nauugnay sa isang cohesive na
pangkalahatang ideya.
Pangangatwiran
Kailangan ding maghain ng ebidensya na
nagpapatunay sa mga argumento na
ipinapahayag.
Paglalahad ng Matibay na Ebidensya
Maaaring ito ay mga estadistika, kasaysayan,
mga personal na karanasan, o pag-aaral mula
sa mga eksperto.
Paglalahad ng Matibay na Ebidensya
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
- Piliin ang Isyung Pag-uusapan
- Magbigay ng Malinaw na Pahayag ng
Pananaw - Magpatunay sa Pamamagitan ng mga Datos at
Patunay - Pagbangon ng mga Kritikal na
Argumento - Magbigay ng mga Alternatibong Solusyon
- Magwakas nang may Pangkalahatang
Paglalagom
Pumili ng isang partikular na isyung na may
kahalagahan sa iyo at sa lipunan.
Maglaan ng oras sa pagsasaliksik upang
mas maunawaan ang mga detalye at iba’t
ibang panig ng isyung ito.
Piliin ang Isyung Pag-uusapan
Sa simula ng iyong posisyong
papel, magbigay ng malinaw at tuwid na
pahayag ng iyong pananaw o opinyon sa
isyung pinagtatalunan.
Ito ang magiging gabay ng iyong buong
papel.
Magbigay ng Malinaw na Pahayag ng
Pananaw
Gamitin ang mga sapat na datos, pag-
aaral, estadistika, at iba pang mga patunay
upang suportahan ang iyong mga argumento at
pananaw. Siguraduhin na ang mga
impormasyon na iyong ginagamit ay mula sa
mapagkakatiwalaang mga pinagmulan.
Magpatunay sa Pamamagitan ng mga Datos at
Patunay
Magkaroon ng mga kritikal na
argumento na nagpapakita ng mga potensyal
na kahinaan o kontrang-argumento sa iyong
pananaw. Isipin ang iba’t ibang panig ng isyung
ito at magpatunay na ang iyong pananaw ay
matatag at mahusay na pinag-isipan.
Pagbangon ng mga Kritikal na
Argumento
Hindi lamang sapat na magpahayag ng iyong
pananaw, ngunit mahalagang magbigay din ng
mga alternatibong solusyon o mga hakbang
upang tugunan ang isyung pinagtatalunan.
Ito ay nagpapakita ng iyong kahandaan na
magsikap sa paghahanap ng mga malikhaing
solusyon sa mga suliranin.
Magbigay ng mga Alternatibong Solusyon
Ito ay isang pagkakataon upang bigyang-diin
ang iyong pangunahing punto at muling
ipahayag ang kahalagahan ng iyong pananaw.
Magwakas nang may Pangkalahatang
Paglalagom
Sa iyong _______ talata, magbigay ng
pangkalahatang paglalagom ng iyong posisyong
papel.
huling