L9 - L15 : Flashcards

1
Q

Ang _____ ay tumutukoy sa kaalamang leksikal at pagkaalam sa tuntunin ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantiks

A

kakayahang lingguwistik/gramatika

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

ito ay maagham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog (ponema) na bumubuo ng isang wika.

a. ponolohiya
b. morpolohiya
c. sintaks
d. semantika

A

a. ponolohiya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

ponolohiya :
makabuluhang tunog sa Filipino.
- Ginagamitan ng simbolo.

A. Ponemang Segmental
B. Ponemang Suprasegmental

A

A. Ponemang Segmental

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

ponolohiya :
– pantulong sa ponemang segmental upang higit na maging mabisa ang paggamit ng 28 ponemang segmental sa pakikipagtalastasan at upang higit na maging malinaw ang kahulugan.

A. Ponemang Segmental
B. Ponemang Suprasegmental

A

b. Ponemang Suprasegmental

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho na baybay.

A. Diin
B. Tono
C. Haba
D. Antala

A

A. Diin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ito ay taas-baba na inuukol sa pantig ng isang salita o pangungusapupang higit na maging malinaw ang pakikipag-usap. Bawat tao ay may kaniya kaniyang paraan ng pagsasalita ngunit may kinakailangan ring norm sa pagsasalita upang higit na maiparating ang mensahe.

A. Diin
B. Tono
C. Haba
D. Antala

A

B. Tono

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinigng pantig ng salita.

A. Diin
B. Tono
C. Haba
D. Antala

A

C. Haba

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Tumutukoy ito sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito. Mayroon ring hinto sa loob ng pangungusap kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na maunawaan ang nais nitong ipahayag.

A. Diin
B. Tono
C. Haba
D. Antala

A

D. Antala

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o morpema.

a. ponolohiya
b. morpolohiya
c. sintaks
d. semantika

A

b. morpolohiya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap.
Ang anyo ng pangungusap ay karaniwang anyo: nauuna ang panaguri kasunod ang paksa; at kabalikan: nauuna ang paksa na sinusundan ng ‘ay’ na sinusundan ng panaguri.

a. ponolohiya
b. morpolohiya
c. sintaks
d. semantika

A

c. sintaks

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

tumatalakay sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga morpema, salita, parirala, at pangungusap. Pagbibigay sa isipan ng tao ng kahulugan batay sa: Denotasyon at Konotasyon

a. ponolohiya
b. morpolohiya
c. sintaks
d. semantika

A

d. semantika

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ang _______ay mabisang paggamit ng yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugan na aayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi (berbal), di-sinasabi (di-berbal) at ikinikilos ng usapan. Ito’y kasanayan sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng usapan.

a. ponolohiya
b. morpolohiya
c. sintaks
d. semantika
e. kakayahang pangramatiko

A

e. kakayahang pangramatiko

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

– sinasabi gamit ang mga salita sa pagpapahayag at pangunahing paraan upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan.

A

berbal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q
  • di ginagamitan ang salita at sa halip ay ipinakikita sa ekspresyon ng mukha, kumpas at galaw ng kamay, kulay maging simbolo ang paraan ng pagpapahayag.
A

di berbal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

isang uri ng panitikan kung saan malayang naipahahayag ng may-akda ang kanyang saloobin, pananaw, kuro-kuro, damdamin, reaksiyon at repleksyon tungkol sa isang paksa. May layunin itong magbigay-kabatiran, impormasyon, mang-aliw o magpatawa.

A

sanaysay

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Agad na siyasatin kung ang pangunahing ____ o lalamanin nito ay makikita sa pamagat ng saliksik. Suriin din kung ang paksa ng saliksik ay tiyak at hindi malawak.

a. paksa
b. nilalaman
c. layon
d. gamit/kahalagahan
e. metodo
f. etika sa pananaliksik

A

a. paksa

17
Q

Kung ang sinusuri natin ay isang saliksik tungkol sa wika at kulturang Pilipino, nararapat lamang na ito ay nakapaloob sa pamagat pa lamang. Banggitin din sa pagsusuri kung nakaugnay ba ito sa bawat bahagi ng saliksik. Tiyakin na nabibigyang puna ang saliksik batay sa dapat na tinataglay nito sa bawat bahagi

a. paksa
b. nilalaman
c. layon
d. gamit/kahalagahan
e. metodo
f. etika sa pananaliksik

A

b. nilalaman

18
Q

Suriin at husgahan kung nakamit ba ng may akda ang kanyang layunin sa pagsasagawa ng pananaliksik. Dapat ang layunin ng pananaliksik ay batay sa suliraning inilahad sa bahagi ng Paglalahad ng Suliranin.

a. paksa
b. nilalaman
c. layon
d. gamit/kahalagahan
e. metodo
f. etika sa pananaliksik

A

c. layon

19
Q

Batay sa maaaring kinalabasan ng pag-aaral, sino ang makikinabang ng saliksik na ito? Para saan at kanino? May mababago bang sistema o nakagawiang gawain matapos ang saliksik na ito?

a. paksa
b. nilalaman
c. layon
d. gamit/kahalagahan
e. metodo
f. etika sa pananaliksik

A

d. gamit/kahalagahan

20
Q

Sa bahaging ito ay sinasagot ang sumusunod na katanungan. Angkop ba ang kagamitang ginamit sa pangangalap ng datos? Ang istratehiya ba sa pagpili ng kalahok ay tugma sa layunin ng saliksik? Nakatugon ba ang pamamaraang ginamit sa pagsusuri ng datos. Maayos ba ang presentasyon ng datos? Anong pamamaraan ang ginamit sa pagsusuri ng datos?

a. paksa
b. nilalaman
c. layon
d. gamit/kahalagahan
e. metodo
f. etika sa pananaliksik

A

e. metodo

21
Q

Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa gawa ng ibang tao. Samakatuwid hindi ginagawa ang pangongopya ng ideya at gawa ng iba

a. paksa
b. nilalaman
c. layon
d. gamit/kahalagahan
e. metodo
f. etika sa pananaliksik

A

f. etika sa pananaliksik