L1.1: konseptong pangwika Flashcards
ano ang buong pangalan ni Henry at ano ang sinabi nya tungol sa wika?
HENRY ALLAN GLEASON
Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao kabilang sa isang kultura
Wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad. Kilala rin bilang Lingua Franca ng bansa.
WIKANG PAMBANSA
Wikang kadalasang ginagamit sa lehistimong mga sangay ng bansa
WIKANG OPISYAL
Wikang ginagamit sa pormal na eduksyon
WIKANG PANTURO
1935
Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika”
- paghahanda ng wikang pambansa
1936
Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay kilala na bilang Komisyon sa Wikang Filipino.
1937
Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.”
1940
Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang pagbubuo at pagpapalathala ng A Tagalog English Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa.
Nailathala sa taon na ito ang Abakada na isinulat ni Lope K. Santos
Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong pasanayang pangguro sa buong bansa.
1946
Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging “Wikang Pambansang Pilipino o Wikang Pambansa Batay sa Tagalog” ay isa nang wikang opisyal.
1959
Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.”
1987
Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: Wika
SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Tagalog
- Pinagbatayan ng Wikang Pambansa
- Isang dayalekto
Filipino
- Ang pambansang wika
- Ang asignaturang pinag-aaralan mo
- Ang iyong lahi sa kontektong Ingles
Pilipino
- Ang iyong lahi sa kontekstong Filipino
- Naging katawagan ng wikang pambansa taong 1959