KULTURA Flashcards
gawain na nagpapasalin-salin mula mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon
kultura
nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar
kultura
ano ang dalawang uri ng kultura?
materyal at di-materyal
ano ang apat na uri ng materyal na kultura?
- kasangkapan
- kasuotan
- pagkain
- tahanan
halimbawa nito ay mga banga, alahas, nililok na kahoy, at pana
kasangkapan
gumagamit ang ating mga ninuno ng balat ng hayop o pinukpok na balat ng kahoy
kasuotan
ito ay isang uri ng kasuotan na gawa sa kapirasong tela na iniikot sa ulo
putong
ito ay isang uri ng kasuotan na gawa sa pang-itaas na damit na walang kwelyo at mangas
kangan
ito ay isang uri ng kasuotan na gawa sa kapirasong tela na ginagamit sa pang-ibaba
bahag
ito ay isang uri ng kasuotan na pang-itaas na may mahabang manggas na parang jacket
baro
ito ay isang uri ng kasuotan na isang kapirasong tela o tapis na iniikot sa baywang
saya o patadyong
saan nanggaling ang kinakain ng mga ninuno natin noong hindi pa sila marunong magtanim
- dagat
- punongkahoy sa kagubatan
- ilog
saan niluluto ng ating mga ninuno ang kanilang pagkain
palayok o bumbong ng kawayan
ano ang ginagamit ng ating mga ninuno sa pagkain?
kamay
saan kumakain ang ating mga ninuno?
dahon o bao ng niyog