Konsepto, Mga Salik, at Elastisidad ng Demand Flashcards
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at
kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.
Demand
Ano ang Batas ng Demand?
Magkasalungat o Inverse na ugnayan ng Presyo sa Quantity Demanded ng produkto
Ito ay nangangahulugang ipinagpalagay na ang presyo lamang ang salik
na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang
ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito.
Ceteris Paribus
Ayon sa konseptong ito, ang mamimili ay naghahanap ng kapalit na mas mura kapag ang presyo ng isang produkto ay tumaas ang presyo.
Substitution Effect
Ipinahahayag dito na mas mataas ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo ng isang produkto.
Income Effect
Ano ang 3 pamamaraan ng pagpapakita ng konsepto ng demand?
(1) Demand Schedule
(2) Demand Curve
(3) Demand Function
Ito ay ang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilihin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.
Demand Schedule
Ito ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Demand Function
Ito ang tumatayong dependent variable.
Qd (Quantity Demanded)
Ito ang independent variable.
P (Presyo)
Ito ay ang intercept o ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0.
b
Isang kurba sa graph na nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.
Demand Curve
Saan nakabatay ang QD?
Pagbabago ng Presyo
Ito ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilihin ng mga mamimili.
Presyo
Ano ang limang salik na nakaaapekto sa demand ng mga indibidwal?
(1) Presyo ng Produkto
(2) Presyo ng kapareha at pamalit na produkto
(3) Kita ng mamimili
(4) Kagustuhan at panlasa ng mamimili
(5) Expectation ng mamimili
Ito ang pagbabago kung saan maaaring makapagpabago ito ng demand para sa isang partikular na produkto.
Kita