Konotasyon At Denotasyon Flashcards
Ito ang tiyak o literal na kahulugan ng isang salita na nagmula sa diksyonaryo
Denotasyon
Dito ipinapahihiwatig na ang kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit dito
Konotasyon
Ano ang ipapahayag ng mga ekspresyon SA TINGIN KO, AKALA KO at SA PALAGAY KO
Opinyon
Ano ang ipinapahayag ng mga salita o ekspresyong SA SIMULA, SAKA, AT SA PAGTATAPOS
Paglalahad ng pagkakasunod sunod
Sa paraang ito, magagamit ang angkop na ekspresyon ng mukha, tamang kilos o galaw ng mga kamay at iba pang bahagi ng katawan, o maging sa simpleng katahimikan
Di-Berbal na paraan
Ito ay kataga, salita, o pariralang gjnagamit sa pag-uugnay ng mga salita o mga bahagi ng pangungusap
Pang-ugnay
Ang pang-ugnay ay tinatawag ding?
Salitang pangkayarian
Ano ang tatlong uri ng pang-ugnay
Pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol
ito ay ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang salita, dalawang parirala or dalawang sugnay.
Pangatnig
magbigay ng ilang halimbawa ng pangatnig
at, o, pati, saka, maging, ngunit, subalit, kung, kapag, kaya, kung gayon, at upang
Ito ay katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
Pang-angkop
ano ang dalawang uri ng pang-akop?
na, -ng
ginagamit kapag ang una ng dalawang salitang pinag-uugnay ay nagtatapos sa katinig, maliban sa n
na
ginagamit kapag ang una ng dalawang salitang pinag-uugnay ay nagtatapos sa katinig, maliban sa n
na
ginagamit kapag ang una sa dalawang salitang pinag-uugnay ay natatapos sa patinig. Ikinakabit ito sa unang salita
-ng