Komunikasyon - Aralin 1 Flashcards
Ayon sa ______ ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamgitan ng mga pagsulat o pasalitang simbolo.
Webster (1974)
Ayon kay ____ ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Henry Gleason
Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito.
Ang wika ay masistemang balangkas
Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.
Ang wika ay sinasalitang tunog.
Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin. Madalas, ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious.
Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba
pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit.
Ang wika ay ginagamit.
Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat, nagkakaiba din ang wikang ginagamit.
Ang wika ay nakabatay sa kultura.
Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago.
Ang wika ay nagbabago.
Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Ayon kay Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) na ganito ang ginagamit sa kapuluan ng ating bansa.
Dayalekto
Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal
na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Sosyolek
Ang tawag natin sa mga natatanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat
na gawain o propesyon.
Jargon
ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tianatanggap at ginagamit ng
higit na nakakarami lalo na ng mga napakag-aral ng wika.
Pormal
ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng paaralan.
Pambansa
Ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.
Pampanitikan o Panretorika
– ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
Impormal