KOMUNIKASYON Flashcards
- pinakamakapangyarihang uri ng media
- wikang Filipino ang nangungunang midyum ng wika sa lokal na programa ng [blank]
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
- malakas ang hatak ng mga teleserye o noon time shows dahil nauunawaan nila ang wikang ginagamit
- 99% ng mamamayang Pilipino ay nakakapagsalita ng wikang Filipino dahil sa panunuod ng [blank]
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
- isang tanyag na uri ng media
- Halos lahat ng istasyon ay gumagamit ng wikang Filipino AM or FM
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO
- BROADSHEET - gumagamit ng wikang Ingles. Madalas bumabasa ay ang mga propesyonal.
- TABLOID - gumagamit ng wikang Filipino. Nasa di pormal na antas ng wika at ito ay diyaryong pang-masa
SITWASYONG PANGWIKA SA DIYARYO
- mas pinipili ng maraming manonood ang mga foreign movies
- kahit ang mga k-drama/movies basta merong Ingles na subtitles o dubbing ay tinatangkilik pa rin
- Ang antas ng wika ay di pormal at taglish
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA
- layunin nito na maakit ang manonood at tangkilikin ang sarili nating pelikula
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA
- malikhain ang wika, maraming bagong sibol sa paraan ng paggamit nito
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR
- FLIPTOP - balagtasang nasa anyong pa-rap. Pagtatalong oral. Nasa di pormal na antas ng wika.
- PICK-UP/HUGOT LINES - pinakatalamak ng kulturang popular lalo na sa mga kabataan. Madalas na ginagamit sa pakikipagbiruan. Nasa di pormal at taglish na antas ng wika.
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR
- Texting Capital of the World ang Pilipinas dahil sa 4 billion na text ang natatanggap sa araw-araw
- code switching at slang
- pinaiikli ang mga baybay dahil limitado lamang ang mga karakter
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT
- NETIZEN - Internet + Citizen
- nilalaman nito ay mga impormasyon, akdang pampanitikan, awitin, recipe, review ng pelikula at impormasyong pang-wika
- code switching at Ingles ang pangunahing wika
SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA
- wikang Ingles ang ginagamit sa pakikipagtalastasan
- wikang Filipino ang gamit kung nag-eendorso ng mga produkto
SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN
- ginamit ni dating Pangulo Benigno S. Aquino III ang wikang Filipino sa kanyang SONA upang makita ang paggalang at pagpapahalaga sa ating Pambansang Wika.
- Sa mga pahayagan at opisyal na publikasyon, wikang Ingles ang gamit ngunit sinasalin rin ito sa Wikang Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN
- mula sa DepEd Order No. 74 of 2009, sinasabi na mula Kinder-Grade 3 ay unang wika o mother tongue ang gagamiting panturo at mula JHS hanggang sa pinakamataas na antas ng edukasyon ay Bilingual ang gagamitin.
SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON
Sino ang gumawa ng 7 tungkulin ng wika sa lipunan na mula sa kanyang libro na Explorations in the Functions of Language?
Michael Halliday
- tungkulin ng wika kung ginagamit ito sa pagpapatatag ng relasyong sosyal
INTERAKSYONAL
- tungkulin ng wika kung ito ay tumutugon sa pangangailangan
INSTRUMENTAL
- tungkulin ng wika kung ito ay gumagabay sa kilos o asal ng iba
REGULATORI
- tungkulin ng wika kung ito ay nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
PERSONAL
- tungkulin ng wika kung ito ay tumutugon sa imahinasyon sa malikhaing paraan
IMAHINATIBO
- tungkulin ng wika kung ito ay naghahanap ng impormasyon o datos
HEURISTIK
- tungkulin ng wika kung ito ay nagbibigay ng impormasyon o datos
IMPORMATIB
nakatuon sa pagbibigay ng utos o babala sa kausap o grupo ng mga tao
CONATIVE
pag tayo ay may gustong ipaalam o ibahagi na impormasyon sa isang tao
INFORMATIVE
kapag tayo ay nagbibigay ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay
LABELING