KOMPAN 1ST QUARTER FINALS Flashcards
Ayon sa kanya ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop.
Chomsky (1965)
Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
Unang Wika (L1)
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue (sinusong wika), arterial (pangunahin) na wika, o ng simbolong L1.
Unang Wika (L1)
Iba pang tawag sa mother tongue.
Sinusong Wika
Arterial
Pangunahin
Ayon kina Skutnabb-Kangas at Philippson (1989), ang unang wika ay maaaring maging alinman sa mga sumusunod:
- Ang wikang natutuhan sa mga magulang
- Ang unang wikang natutuhan, kanino pa man ito natutuhan
- Ang mas dominanteng wika gamit ng isang tao sa kanyang buhay (nangingibabaw)
- Ang unang wika ng iisang bayan o bansa, halimbawa ay Iloko sa mga taga-Ilokos o Bikolano sa mga taga-Bikol
- Ang wikang pinakamadalas gamitin ng isang tao sa pakikipagtalastasan
- Ang wikang mas gustong gamitin ng isang tao
Exposure sa iba pang wika sa paligid o ang anumang bagong wikang natutuhan ng isang tao pagkatapos niyang matutuhan ang unang wika.
Ikalawang Wika (L2)
Sino ang sumulat ng aklat na Introducing Second Language Acquisition (2006), kung saan ipinaliwanag niya ang mga teoryang tinutuntugan ng pagkatuto at pag-unlad ng ikalawang wika?
Muriel Saville-Troike
Tatlong paraan ng pagkatuto ng ikalawang wika:
- Pormal na pagkatuto
- Impormal na pagkatuto
- Magkahalong pagkatuto
Nagaganap sa likas na kapaligiran.
Impormal na pagkatuto
Organisadong pag-aaral ng wikang nagaganap sa paaralan.
Pormal na pagkatuto
Kapwa gumagamit ng likas at pormal na mga paraan sa pagkatuto ng ikalawang wika.
Magkahalong pagkatuto
Wikang may simbolong L3 na natututuhan ng isang tao habang lumalawak ang kanyang ginagalawang mundo dahil ito ay isa na ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa lipunan.
Ikatlong Wika (L3)
Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa (edukasyon, komersiyo, negosyo, at pakikipagtalastasan).
England, Pransya, South Korea, Hapon atbpa.
Monolingguwalismo
Ipinahihiwatig sa pamamagitan ng paggamit ng hindi kukulang sa dalawang wika ng tao.
Bilingguwalismo
Bilingguwal kung ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika ay tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Ito ay tinatawag na perpektong billinguwal.
Bloomfield (1935)
Bilingguwal ang isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang, kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.
Macnamara (1967)
Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit nito ay bilingguwal.
Weinreich (1953)
Uri ng bilingguwalismo:
- one person, one language
- non-dominant home language/one language, one environment
3.non-dominant language without community support
4.double non-dominant language without community support - non-dominant parents
- mixed
may magkaibang unang wika ang mga magulang bagama’t kahit paano ay nakapagsasalita ng wika ng isa ang isa. Isa sa kanilang wika ang dominanteng wika ng pamayanan.
one-person, one language
may kani-kaniya pa ring unang wika ang ama at ina, at isa sa mga ito ang dominanteng wika ng pamayanan. Gayunpaman, mas pinipili nilang kausapin ang
kanilang anak sa isang di dominanteng wika, kahit paglabas ng bata sa bahay ay sa dominanteng wika siya nalalantad.
non-dominant home language o one language, one environment
magkatulad ang unang wika ng mga magulang ngunit ang dominanteng wika sa pamayanan ay hindi ang sa kanila. Gayunman, iginigiit nilang gamitin ang kanilang unang wika sa kanilang anak.
non-dominant language without community support
sa ganitong uri, may kani-kaniyang unang wika ag mga magulang ngunit ang dominanteng wika sa pamayanan ay hindi ang alinman sa kanila. Mula pagkasilang, kinakausap na ng mag-asawa ang kanilang anak sa kani-kaniyang wika.
double non-dominant language without community support
dito, pareho ng unang wika ang mga magulang. Ang wika din nila ang dominanteng wika sa pamayanan. Gayunpaman, isa sa kanila ang laging kinakausap sa kanilang anak gamit ang isang di-dominanteng wika.
non-dominant parents
sa ganitong uri, bilingguwal ang mga magulang. May mga sector din sa lipunan na bilingguwal. Kapag kinausap ng mga magulang ang bata, nagpapalit-palit sila ng wika.
mixed