kompan Flashcards
Dalubwika
taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaniyang kaalaman sa wika.
Example: Siya ay isang dalubwika sa larangan ng wikang Filipino.
Linggwistika
ang siyentipikong pag-aaral ng wika.
Polyglot
taong marunong magsalita ng iba’t ibang wika
KAHULUGAN NG WIKA
Hnry Allan Gleason, jr. - isang dalubwika at propesor sa University of Toronto, ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi ng isang kultura sa komunikasyon.
Example: Ang wikang Filipino ay isang halimbawa ng wikang pambansa sa Pilipinas.
Wikang Pambansa
Ito ay ang wikang itinalaga ng isang bansa na gagamitin ng mga mamamayan nito at magiging daluyan at representasyon ng pambansang identidad at kultura nito.
Wikang Panturo
wikang ginagamit sa pagtuturo upang matiyak na nauunawaan at natututuhan ng mga mag-aaral ang mga araling tinatalakay sa loob ng silid-aralan.
Wikang Opisyal
tumutukoy sa wikang itinatadhana ng batas sa opisyal na komunikasyon sa loob at labas ng mga ahensyang pamahalaan.
Bilingguwal
ang sinumang tao na may kakayahang gumamit ng dalawang wika.
Bilingguwalismo
nangangahulugang malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pakikipagtalastasan.
Multilingguwal
ang tawag sa mga taong higit sa dalawang wika ang kayang gamitin
Multilingguwalismo
ang tawag sa sitwasyon kung kailan higit sa dalawang wika ang ginagamit ng tagapagsalita sa pakikipagtalastasan, pagtuturo, at pag-aaral.
Homogeneous na kalikasan ng wika
ito ay tumutukoy sa mga katangiang taglay ng lahat ng wika anuman ang pinagmulan at kultura
Heterogeneous na kalikasan ng wika
ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga ng paggamit ng iba-ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, edad, kasarian, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pa.
DAYALEK
ito ay ang wikang ginagamit ng partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
ETNOLEK
barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek.
IDYOLEK
sariling paraan ng pagsasalita, lumulutang ang katangian at kakayahang natatangi ng taong nagsasalita