Kom 2 Flashcards
Ipinahayag na ang tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang Pambansa sa Pilipinas.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG 134 (1937)
isinaad ang pagpapalimbag ng “A tagalog English Vocabulary” at``Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG.263 (Abril 1, 1940)
Panuntunan ng implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 54 (1987)
ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946.
BATAS NG KOMONWELT BLG. 570
Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas.
SALIGANG-BATAS NG 1987, ARTIKULO XIV(9), SEKSYON 6
nilagdaan ng Pangulong Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edisyon, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG 96 (1967)
nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-utos sa lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG 87 (1969)
Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo`y kalihim ng kagawaran ng Edukasyon na Si Jose E. Romero na nag- aatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG.7
nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-64 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag sa Wikang Filipino.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 24 (1962)
nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin na Ortograpiyang Pilipino.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 25 (1974)
paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansang Pilipino. Nilagdaan ni Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 203 (1978)
ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29 – Abril 4 (kapanganakan ni Franciso Balagtas).
PROKLAMASYON BLG. 12
Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 – 19 kapanganakan ni Manuel L Quezon.
PROKLAMASYON BLG. 186 (1955)
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto, ang buwan ng wikang Filipino.
PROKLAMASYON BLG. 1041 (1997)
nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG 60 (1960)