Kaukulan ng Pangngalan Flashcards
1
Q
Ano ang kaukulan ng pangngalan ginagamit bilang: simuno o paksa, kaganapang pansimuno, panawag, at pamuno?
A
Palagyo
2
Q
- Ang anak ay naging mapagparaya na sa kapuwa.
A
Simuno o Paksa: anak
3
Q
- Ang ina ay si Aling Dina.
A
Kaganapang Simuno: Aling Dina
4
Q
- Anak, magbago ka na.
A
Panawag: Anak
5
Q
- Si Aling Dina, ang ina ni Gilbert, ay matiyagang nangangaral sa anak.
A
Pamuno: ina
6
Q
Ano ang kaukulan ng pangngalang nagpapakita ng pagmamay-ari ng isang bagay?
A
Paari
7
Q
- Ang napulot ko na walet ay kay Martin.
A
Paari: Martin
8
Q
Ano ang kaukulan ng pangngalang ginagamit bilang: tuwirang layon, layon ng pang-ukol, at tagaganap ng pandiwang nasa tinig na balintiyak?
A
Paukol o Palayon
9
Q
- Bumili ng aklat si Rina.
A
Tuwirang Layon: aklat
10
Q
- Ang parti ay inihandog para sa dalaga.
A
Layon ng Pang-ukol: dalaga
11
Q
- Ang bata ay pinalo ng ama.
A
Tagaganap ng pandiwang nasa tinig na balintiyak: ama