Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud Flashcards
Saang salitang Latin galing ang virtue?
virtus (vir)
Ito ay nararapat lamang para sa tao.
Birtud
Paano magiging makabuluhan ang pagtuturo ng pagpapahalaga?
Kung ito ay nailalapat sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga birtud (virtue)
Ang isang hayop ay walang kakayahan ng anuman nito.
Birtud
Tao lamang ang biniyayaan ng Diyos ng mga ito.
Isip at kilos loob
Ano ang ibig sabihin ng salitang Latin na virtus (vir)?
pagiging tao, pagiging matatag, at pagiging malakas
Ano ang magkakatulad sa tao?
Isip at kilos loob
Ito ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao.
Birtud
Bakit sa paglipas ng panahon, unti-unting nakikita ang pagbabago at pag-unlad sa paglaki ng tao?
Dahil sa gawi o habit
Ito’y hindi taglay ng tao sa kanyang kapanganakan.
Birtud
Ano ang hindi magkatulad sa tao?
Kaalaman at birtud
Ang habit ay mula sa salitang Latin na?
habere
Bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.
Gawi
Ano ang ibig sabihin ng salitang Latin na habere?
To have o magkaroon o magtaglay
Unang hakbang sa paglinang ng birtud.
Gawi
Ito ay kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.
Birtud
Ayon kay Aristotle, paano magiging makatarungan ang tao?
Sa pamamagitan ng paggawa ng makatarungang kilos
Pagpapasyang gawin ang tama, na may tamang katuwiran at sa tamang pamamaraan
Birtud
Dalawang uri ng birtud
Intelektwal na Birtud
Moral na Birtud
Birtud na may kinalaman sa isip ng tao
Intelektuwal na Birtud
Dalawang mahalagang kasanayang kailangang makamit bilang tao.
- Ang pagpapaunlad ng kaalaman at karunungan na siyang gawain ng ating isip.
- Ang pagpapaunlad ng ating kakayahang gumawa ng mabuti at umiwas sa masama na siyang gawain ng ating kilos-loob.
Tinatawag na gawi ng kaalaman (habit of knowledge)
Intelektuwal na Birtud
Gabay
a. Paghahanap ng kaalaman upang makaalam tungo sa paggawa nang may kasanayang magagawang perpekto lamang sa tulong ng pag-unawa (understanding), agham (science), karunungan (wisdom)
b. Paggamit ng kaalamang nakalap sa mga pagpapasya at kilos na maaaring mapagyaman sa tulong ng sining (art) at maingat na paghusga (prudence)
Mga uri ng intelektwal na Birtud
Pag-unawa (understanding) Agham (science) Karunungan (wisdom) Maingat na paghuhusga (prudence) Sining (art)
Pinakapangunahin sa lahat ng Birtud na nakapagpapaunlad ng isip.
Pag-unawa (understanding)
Kasingkahulugan ng pag-unawa.
Isip
Ito ay nasa buod (essence) ng lahat ng ating pag-iisip
Pag-unawa (understanding)
Ano ang tawag ni Santo Tomas de Aquino sa Pag-unawa?
Gawi ng unang prinsipyo (habit of first principles)
Walang saysay ang ating isip kung ang ating pagsisikap na matuto ay hindi nito ginagabayan.
Pag-unawa
Sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.
Agham (science)
Dalawang pamamaraan upang matamo ang agham.
Pilosopikong pananaw
Siyentipikong pananaw
Kaalaman sa mga bagay sa kanilang huling layunin (last cause) o sa kaniyang kabuuan. Isang halimbawa ay ang pag-aaral ukol sa tao, sa kanyang kalikasan, pinagmulan at patutunguhan.
Pilosopikong pananaw
Kaaalaman sa mga bagay sa kaniyang malapit na layunin (proximate cause) o sa isang bahagi nito. Halimbawa, pag-aaral biyolohikal na na bahagi ng tao; o sa kanyang kilos, kakayahan, kapangyarihan at iba pa.
Siyentipikong pananaw
Pinakamataas na uri ng kaalaman
Karunungan (wisdom)
Paano masasabi na naabot na ng kaisipan ng tao ang kanyang kaganapan?
Kung ito ay nagamit sa paggabay ng birtud ng karunungan
Pinakahuling layunin ng lahat ng kaalaman ng tao
Karunungan (wisdom)
Sinabi ni Santo Tomas de Aquino ukol sa karunungan
“Napakaraming sangay ng siyensiya at napakarami ng mga bagay na maaaring malaman ng tao ngunit nag-iisa lamang ang karunungan.”
Agham ng mga agham
Karunungan (wisdom)
Uri ng kaalaman na ang layunin ay labas sa isip lamang ng tao.
Maingat na paghuhusga (prudence)
Sa tunay na esensya ng buhay, ano ang mas mahalaga kaysa maging malusog, mayaman at matalino.
Maging mabuti
Nagtuturo sa tao upang humusga ng tama at gawin ang mga bagay na mabuti ayon sa kaniyang kaalaman at pag-unawa.
Karunungan
Nagtutulak sa tao upang maunawaan ang bunga o kalalabasan (consequences) ng lahat ng pananalita at kilos bago ito sabihin at isagawa.
Karunungan
Taglay natin ito upang makaalam at mailapat ang anumang nakalap na karunungan sa kilos.
Maingat na paghuhusga (prudence)
May layunin itong sabihin sa ating sarili kung paano kumilos nang tama o wasto.
Maingat na paghuhusga (prudence)
Nagbibigay-liwanag at gumagabay sa lahat ng ating mabuting asal o ugali.
Maingat na paghuhusga (prudence)
Pinakamahalaga at pinakamakabuluhan sa lahat ng mga intelektuwal na birtud kaya’t tinatawag itong praktikal na karunungan (practical wisdom)
Maingat na paghuhusga (prudence)
Tumutukoy sa saligan o batayang kilos o gawa at sa ubod ng paniniwala
halaga
Paano masasabing nailalapat ng tak ang maingay na paghuhusga?
Kung ang isip ay nakakalap ng tamang kaalaman at ginagamit ito bilang gabay sa kanyang moral na kilos
Ano ang kailangan ng tao upang harapin at malampasan ang ng pagsubok?
Kahandaan
Nagbibigay sa tao ng kahandaang kailangan para malampasan ang mga pagsubok.
Maingat na paghuhusga (prudence)