Katiwalian & Korupsyon Flashcards
Paggamit ng isang politiko ng kanyang awtoridad at kapangyarihan upang isulong ang kanyang pansariling kapakanan
Katiwalian (graft)
Kawalan ng kalinisan, integridad, at katapatan ng isang taong nanunungkulan
Korupsyon
Salitang LATIN na nagmula sa CORRUMPERE
Corruptus
Ibig sabihin nito ay masira, mabulok o mabahiran ng dumi
Corrumpere
Kanino galing ang 8 uri ng katiwalian at korupsyon na laganap sa Pilipinas
Philippine Center for Transnational Crime
8 na uri
1) Tax Evasion
2) Pag-imbento ng Ghost Projects
3) Pag-imbento ng Ghost Employees
4) Pag-iwas sa public bidding
5) Pagpapasa-pasahan ng mga kontrata
6) Nepotismo
7) Pangingikil
8) Panunuhol
Tuwirang hindi pagbabayad ng buwis o pandaraya sa pagbabayad ng buwis
Tax Evasion
huwad na proyektong pinopondohan gamit ang buwis ng taumbayan
Ghost Projects
Pagdaragdag ng mga huwad o di totoo na tao sa listahan ng mga empleyado ng isang ahensiya
Ang mga pangalang ito ay pinapasahod at binibigyan ng bonus pero ang pera ay napupunta ito sa matataas na opisyal
Ghost employees
Pagbubukas sa publiko ng pagkakataong makakuha ng kontrata mula sa pamahalaan sa paggawa ng proyekto o pagbili nito ng mga gamit
Public bidding
Nagkakaroon ng kupit at nagdudulot ito ng paggamit ng mga materyales na mababang uri at minsan hindi natatapos ang proyekto
Pagpapasa-pasahan ng mga kontrata
Pagbigay ng oportunidad at pribilehiyo sa mga kamag-anak/kapamilya o kaibigan sa pagbibigay ng trabaho sa pamahalaan
Nepotismo
Ipinagbabawal ng anong Batas Rep. ang nepotismo?
Batas Republika Blg. 6713
Ano ang iba pang tawag sa Batas Republika Blg. 6713
Code of Conduct and Ethical Standards fro Public Officials and Employees
Sapilitang paghingi ng pera, kagamitan o serbisyo mula sa ordinaryong mamamayan kapalit ang serbisyong sana ay ipinagkakaloob ng kibre o mura
Pangingikil