Katarungang Panlipunan Flashcards
Ito ay ang pagbibigay sa tao ng nararapat sa kaniya.
Katarungan
Ano ang 3 moral na kaayusan bilang batayan ng legal na katarungan?
(1) Batas Sibil
(2) Batas Moral
(3) Likas na Batas Moral
Ano ang 3 mga batayan ng pagsasabuhay ng katarungan?
(1) Katapatan
(2) Pagbibigay-halaga sa kapwa
(3) Pagbabago sa sarili
Ito ay naipamamalas natin kung sa bawat gawain tayo ay magsusumikap at tanging katotohanan lamang ang ating ipinahahayag.
Katapatan
Ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa tuwi-tuwina na lahat ng karaparan na ating tinatamasa ay nararapat ding ibigay at ipagkaloob sa kapwa.
Pagbibigay-halaga sa kapwa
Ito ay maipakikita natin kung magagawa nating baguhin ang mga kinagawiang ugali at gawi na taliwas sa ating layunin na maibigay ang dapat, gaya ng pagsasabi ng “saka na” at pagpapaliban sa mga gawaing dapat nating gawin sa takdang oras.
Pagbabago sa sarili
Ano ang 6 na nararapat na sundin sa pakikisalamuha?
(1) Katarungan sa Sarili
(2) Katarungan sa Trabaho
(3) Katarungan sa Kapwa
(4) Katarungan sa Bansa
(5) Katarungan sa Diyos
(6) Katarungang Panlipunan
Ito ay ang hustisya ayon sa Banal na Bibliya kung kaya’t ito ay tungkulin nating pangalagaan at panatilihin ang dangal na siyang likas na ipinagkaloob ng Diyos sa tao.
Katarungan sa Sarili
Ito ang bawat paggawa na mahalaga sapagkat bahagi ito ng ating buhay, na nagiging daan sa pakikisalamuha, pakikiisa, at pakikipagkapwa.
Katarungan sa Trabaho
TAMA O MALI
Sa katarungan sa trabaho, natutugunan din nito ang ating mga pangangailangan, napagyayaman at nalilinang natin ang ating mga kakayahan, at naaabot natin ang ating kaluguran o self-satisfaction.
TAMA
Ito ang pagtanda na ang bawat isa sa atin ay nilikhang kawangis ng Maykapal at pantay-pantay ang karapatang ipinagkaloob sa atin.
Katarungan sa Kapwa
Ito ay tumutukoy sa pagbuo sa ating bansa, kung saan ang lahat ng bagay na ating ginagawa nakaaapekto sa ating bansa.
Katarungan sa Bansa
Ito ay kung saan ang Poong Maykapal ang nagkaloob sa atin ng lahat ng biyayang ating tinatamasa, kaya nararapat nlamang na maglaan tayo ng oras upang purihin at pasalamatan siya sa lahat ng oras.
Katarungan sa Diyos
Ito ay binubuo ng mga tao na nag-uugnayan bungsod ng layuning mamuhay ng marangal.
Katarungang Panlipunan
TAMA O MALI
Sa katarungan sa bansa, ang mga opisyal ay naglulunsad ng mga batas upang mapangalagaan ang kaligtasan at nagsasagawa ng mga programang makatutulong at makapagtataguyod sa karapatang pantao.
MALI
Katarungang Panlipunan