Katangian ng Wika Flashcards
ibigay ang katangian ng wika
-may masistemang balangkas
-ang wika ay sinasalitang tunog
-ito ay arbitraryo
-nakabatay ito sa kultura
-ang wika ay dinamiko-namamatay, nabubuhay
-ito ay midyum sa komunikasyon
-ito ay makapangyarihan
-may pulitika sa wika
-walang wikang superyor
batay sa aklat nina alcaraz et al, ayon kay _______, gumaganap ang wika bilang tsan el/daluyan, tagapahayag, impukan at imbakan ng kultura
Salazar
sinasabi nina alcaraz et al , ayon kay _____, na ang wika ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan
Otanes
tinukoy ni _______ ang pulitika sa wika sa mga siwasyong dinanas ng wikang pambansa upang kilalanin at isulong bilang komon na wika.
Almario
Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito naging isang paksa ng mainit ang pinagtalunan pinag-isipan at tinalakay sa kumbensyong konstitusyonal noong _____ang pagpili sa wikang ito
1934
marami sa mga delegado ang sumang ayon sa panukala ng isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang pambansa Subalit sinalungat ito ng mga maka-english na naniniwala ng higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang ingles naging matatag ang grupong nagmamalasakit sa sariling wika
1934
ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbibigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa _______ ng saligang batas ng ____ na nagsasabing: “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika hangga’t hindi itinatakda ng batas ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika”
1935 artikulo xiv seksyon 3
iminungkahi ng grupo ni _______ na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L Quezon na noo’y pangulo ng pamahalaang komonwelt ng Pilipinas
1934 Lope K Santos
base sa probisyong ito ng saligang batas ng ____ ay nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang gagamitin batay sa pagpili ng wikang pambansa
1935
ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni_______ ng Leyte ang Batas Commonwealth blg 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa
Norberto Romualdez 1935
pangunahing tungkulin ng SWP ang mag-aaral ng mga dayalekto sa pangkalahatan para sa layuning mapaunlad at magpatibay ng isang pambansang wika batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas mekanismo at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino
1935
noong _________ ay iprinoklama ni Pangulong _______ ang wikang _____upang maging batayan ng wikang pambansa batay sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng kautusang tagapagpaganap blg 134 magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon
Disyembre 30 1937,Manuel L quezon, Tagalog
nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang kalayaan sa araw ng pagsasarili ng Pilipinas noong _______ ay ipinahayag din ang mga wikang opisyal sa bansa ay ________ sa bisa ng Batas Komonwelt blg 570
Hulyo 4 1946, Tagalog at Ingles
noong ________ pinalitan ang tawag sa wikang pambansa mula Tagalog ito ay naging _______ sa bisa ng kautusang pangkagawaran blg 7 na ipinalabas ni ________ ang kalihim ng edukasyon noon sa panahon na ito higit na binibigyang-halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino
Agosto 13 1959, Pilipino, Jose Romero
muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa kumbensyong konstitusyonal noong _____ kaugnay ng usaping pangwika
1972