katangian ng mga piling sulatin Flashcards
Maikli ngunit komprehensibong naipababatid ang pangkalahatang nilalaman ng
pananaliksik.
Direkta
Nagsasaad ng tumpak at mapanghahawakang mga pahayag o detalye.
Mapagkakatiwalaan
Naglalahad ng mga kaisipang walang pagkiling at batay sa pananaliksik o pag-aaral.
Obhetibo
Gumagamit ng simple, malinaw at tiyak na mga salita sa paglalahad ng
pangungusap
Payak
Nagsasaad ito ng tunay at tiyak na detalye.
Matapat
Kinapapalooban lamang ng mahahalagang tala tungkol sa buhay ng isang tao.
Maikli
Gumagamit ng mga salitang madaling maunawaan upang maipakilala ang sarili sa
tuwirang paraan
Payak
Tiyak na matatamo ang inilatag na panukala sa pamamagitan ng
pagsasaalang-alang sa target na panahon at resources.
Makatotohanan
Gumagamit ng direktang pahayag at tapat sa paglalahad ng mga kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin o gawain.
Tiyak
Nagbibigay ng impormasyon upang makahikayat ng positibong pagtugon.
Mapanghikayat
Gumagamit ng mga pormal na salita at seryoso ang tono.
Pormal
Nakapupukaw ito ng kaisipan at damdamin dahil sa kawili-wiling paglalahad ng
katuwiran o paliwanag.
Kaakit-akit
Ang mga impormasyong inilahad ay batay sa mga pag-aaral o pananaliksik. Ang
argumento ay sinusuportahan ng mga katibayan.
Mapagkakatiwalaan
Sinisikap nitong mapaniwala ang mga nakikinig sa pamamagitan ng mga
katotohanang masasalamin sa talumpati.
Mapanghikayat
Maayos ang pagkakahanay at may kaisahan ang mga konsepto o detalye.
Organisado