Kasaysayan ng Wikang Pambansa Flashcards
Ito ay ang wikang pagkakailanlan ng mamayan ng isang bansa
Wikang Pambansa
True or False
Ang Pilipinas ay bilinggwal na bansa
False, Multilinggwal
Ilan ang wika sa Pilipinas
87
Ang Pilipino ay nagmula sa wikang? At pagkaara’y naging?
Tagalog, Filipino
Noong dumating ang mga Amerikano, itinakda ng pamahalaan na gawing opisyal na wikang pangturo sa mga paaralan ang wikang?
Ingles
Noong dumating ang mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit nito sa paaralan at tanggapan nito
Bernakular
Sinu-sino ang mga lider makabayan na nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa
Lope K. Santos
Cecilio Lopez
Teodoro Kalaw
Siya ang nagharap ng panukala na gawing Wikang Pambansa at Wikang Opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang wikang Ingles
Manuel Gillego
Siya ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”
Manuel L. Quezon
Sa taong ito, isang kombensyong konstitusiyonal ang binuo ng pamahalaang komonwelt upang ipaalala ang kahalagahan ng wika, ayon sa katuparan ni Quezon
1934
Dito nakapaloob ang kombensyong konstitusyonal na binuo ng pamahalaang komonwelt
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935
Sa petsang ito inihayag ni Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Tagalog
Disyembre 30, 1937
Ito ay binubuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi
Surian ng Wikang Pambansa
Ipinasya ng Surian na ang wikang ito ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa
Tagalog
Sa pestang ito inaprubahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa
Nobyembre 1936
Sila ang naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng WIkang Pambansa
Surian ng Wikang Pambansa
Sa petsang ito, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog
Disyembre 30, 1937
Sa petsang ito ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isng balarila at isang disyunaryo sa Wikang Pambansa
Abril 1, 1940
Nagsimula sa petsang ito na ipinahayag pa ring ituturo ang Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas
Hunyo 19, 1940
Sa petsang ito pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946 ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa
Hunyo 7, 1940
Sa petsang ito nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29-Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa ____
Marso 26, 1954
Nailipat sa Agosto 13-19 tuwing taon
Sa petsang ito tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukcasyon ang Kautusang Blg 7.
Agosto 12, 1959
Sa kautusang ito nakasaad na kailan man ay Pilipino ang pambansang wikang gagamitin
Kautusan Blg 7
Sa petsang ito nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng mga pamahalaan ay pangalan sa Pilipino
Oktubre 24, 1967
Sa petsang ito, ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Silas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggap, at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino
Marso 1968
Sa petsang ito nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimla sa taong panuruan 1974-75
Agosto 7, 1973
Sa petsang ito nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg 25 para sa pagpapatupad ng eduksayong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan
Hunyo 19, 1974
Siya ay namuno sa Komisyong Konstitusyonal na binuo ng pamahalaang rebolusyonaryo
Cecilia Munoz Palma
Sa seksyong ito nakasaad na ang wikang pamabansa ng Pilipinas ay Filipino
Seksyon 6